Chapter 18

16.8K 451 13
                                    


Chapter 18
_______










Pagkapasok nila sa opisina ni Kennedy ay nabigla siya sa nangyayari. Nakita niya itong seryoso habang galit na sinesermonan ang babaeng nasa harapan nito.

"Bakit ka nga pumunta pa doon? Sinabi ko naman sayo diba hindi mo na pwedeng gawin pa iyong mga bagay na ginagawa mo dati. Hindi ka na pwedeng pumunta pa sa Bar at magliwaliw na para bang tulad lang nang dati!" sigaw nito. Kita niyang parang lalabas na ang mga ugat nito sa leeg dahil sa pagsisigaw. Nanlilisik pa ang mga mata nito habang nakatuon lang ang atensyon sa babae.

Tiningnan niya ang babae. Napaka Sexy nito sa suot na hapit na Red dress na maikli. Nakatagilid ito sa pwesto nila at mukhang hindi pa sila napapansin nang dalawa na pumasok.  Ang aga-aga naman ata nang pag aaway nang mga ito.

"How dare you! I didn't give you any rights to interfere with my life. Kung gusto kong lumabas at magliwaliw wala ka na doon." hindi rin naman pala papatalo ang babae sa sigawan.

"I have all the rights in the world dahil buntis ka at ako ang ama nang batang dinadala mo! Kaya dapat alam ko lahat-lahat nang pinagagagawa mo." nabigla siya sa sinabi ni Kennedy. Ang pinaka isip batang kaibigan ni Blake ay may nabuntis?

Napatingin siya kay Blake na nakasandal na pala sa pader at parang nagi-enjoy pa ito sa mga nangyayari.


"No! How dare you to say that. How can you be so sure that you are the father of my baby? Diba sabi mo malandi ako edi malay mo ibang lalake ang ama nito at hindi ikaw!"

"Wag na wag mo akong susubukan Ysabelle. Ako ang ama nang batang dinadala mo at nakasisiguro ako diyan. Kaya wag mong tangkain pa ang tumakas at suwayin ako dahil kahit saan ka pa magpunta mahahanap at mahahanap pa rin kita." gigil na hinawakan nito ang braso nang babae na siya namang iwinaksi lang nito.




"No. Never mo na akong mapapasunod sa iyo. Over my dead, gorgeous and sexy body." tuluyan nang nag marcha paalis ang babae. Doon niya lang nakita ang mukha nito. Mataray ang tabas nang mukha nito pero sobrang ganda. Tuloy-tuloy lang itong umalis at hindi na yata sila napansin ni Blake kahit na kanina pa sila nakatayo at pinapanood ang mga ito.


"Putangina.." nakita niyang napaupo na lang sa upuan nito si Kennedy habang sapo ang ulo nitong sumakit ata.


"That was intense dude." nakangising ani ni Blake dito.


Napatingin naman ito sa kanilang direksyon, noon lang ata sila nito napansin.


"Hey you're here guys pasensya na kung naabutan niyo pa iyon." matamlay na ngiti nito sa kanila.

"It's okay dude but I think you have something to tell." nakangising saad ni Blake dito. Napakamot naman sa ulo si Kennedy. Siguradong gigisahin ito nang magkakaibigan kapag nagkataon.

"By the way let's get to the point now Ken. I still have to visit my new resort that is under construction." saad nito at hinila siya paupo sa couch na naroon sa loob. Prente lang itong umupo bago siya hinapit sa kanyang bewang nang makaupo siya sa tabi nito.

Nagsimula na ang dalawa sa pag-uusap. Seryoso ang mga ito habang nagpaplano. Base sa naririnig niya ay balak magpagawa nang isa pang resort ni Blake sa Bulacan at si Kennedy naman ay maglalagay din nang restaurant nito sa mismong resort.


Ang ibang detalye nang pinag-uusapan nang mga ito ay hindi niya na naintindihan. Medyo nababagot na din siya dahil halos ilang oras na rin ang dalawa sa pagpaplano.

When The Playboy FallsWhere stories live. Discover now