chapter 49: Akhaya

1.6K 36 1
                                    

"And we think na yung bombang sinasabi nyo ay time bomb" sabi ni Chris.

Nanlaki naman ang mga mata nito. Lalapit na sana ako sa kanila ng biglang hugutin ng lalaking nakatali kanina ang kamay ko. Ikinulong niya ako sa kanyang braso at saka nakatutok ang blade ng kutsilyo sa leeg ko.

Yung isang lalaki na nakatali din kanina ay tinutukan ako ng baril sa ulo.

"So it was all a show huh? Gusto nyong magnakaw kaya gumawa kayo ng excuse! At syempre, magpapasabog talaga kayo" madiin na sabi ko sakanila.

"Shut up! Lahat tayo ay mamatay! 3 minutes na lang ang natitira at sasabog na ang bomba" Sabi nung lalaking may hawak ng baril

"Tsk. The bomb won't explode. We already took care of it. So release her now" malamig at nakakatakot na sabi ni Chris.

Tumawa lang ang mga to at hindi sila naniniwala. Hinihintay na lang nila ang mag zero. At nung magzero na, they expected na sasabog ang bomba but nothing happened.

"Expecting for this to explode?" sabi ni Chris at saka itinaas ang defused bomb.

"This is too easy to defuse" dagdag pa niya.

Mukhang hindi pa nawawala ang pagkakabigla ng mga ito kaya I kicked the two man so hard that they could even call their parent's name.

I grabbed the gun from that man and pointed it to their allies who pretended to be an officer.

Pinababa ko sila at sumunod naman ito. Sakto naman na dumating ang mga pulis. Sila na ang bahala sa mga lalaking yun. Nagpasalamat muna sila saamin bago umalis. Kami naman ay pumasok na sa bus at naupo.

Umandar na din ang bus. Tsk... late na kami. Buti nga at wala pang gagawin mamaya. Bukas pa ang start ng activity eh.

"You were great as always" sabi ni Ivan na nakaupo sa harapan namin.

"Thanks" I said.



*****
"Ikaw na naman?!"

"Bakit ba lagi na lang ikaw ang napapahamak? Kapatid mo basi kamatayan?"

Napairap naman ako sa tanong ni Agatha. Kinuwento ko kasi yung nangyari. Actually, wala naman talaga akong balak na isabi ito sakanila kaso, makukulit sila at ayaw nila akong tigilan. Bundok pala ang pinuntahan at dito gaganapin ang camping trip.

"Buti naman at nakarating na kayo." Tumingin ako sa likod ko.

"Hi Erick! Hi Dean!" masiglang bati ko

"Hi din Avie! Kumain ka na ba?" Dean asked. "Ahh.. hindi pa eh. Maya-maya na lang siguro" sabi ko.

"Samahan ka na lang namin kumain? Isama mo na din yang mga kaibigan mo" Erick said.

"No. Coz she's gonna eat her lunch with us. Is that alright, Avie?" Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na yun. I know who owns this voice.

"Of course Chris! Anyway, it will be awkward if ako lang ang kakain mag-isa" Sabi ko sakanya.

"Then let's go eat our lunch at the cafeteria" said Chris at hinila na niya ako.

Dinala niya ako dun sa malaking kubo, na kung saan ay tinatawag ding cafeteria. Kumuha na kami ng pagkain at saka nagsimula nang sumubo. Kasabay namin kumain sila Luis, Ivan, at Ivy na ang sama ng tingin sakin. Magkaharap kami ni Ivy, at katabi ko naman si Chris. Katabi ni Ivy sila Luis at Ivan.

Tapos na kaming kumain at kailangan na namin maglagay ng tent. Sabay sabay lahat ng grade 10 magbubuild ng tent. Magkahiwalay ang paglalagyan ng tent ng boys sa girls. Pareho namang may cabin duon sa paglalagyan namin ng tents. Sa cabin na yun, duon daw kami maliligo, magbibihis, at magccr.

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now