chapter 59:stay

1.6K 47 1
                                    

Avie's pov

Nagising ako ng maramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. Gutom na ako.

I opened my eyes at isang di pamilyar na kwarto ang bumungad saakin.

Nasaan ako? At kaninong kwarto at kama to?!

"Oh, mabuti at gising ka na. Eto oh, kainin mo muna" sabi niya at saka ibinigay saakin ang tray na may lamang gamot, tubig, ay sopas.

"N-nasaan ako?at anong nangyari?"

"Naandito ka sa bahay ko and nahimatay ka kasi kagabi duon sa may tulay. Nilalagnat ka pa nga din kaya pinalitan ko na yang damit mo" she said while smiling.

"Salamat pero... sino ba ka?" tanong ko.

"Ako si Ashley. Ashley Munuebes. 16 years old. At wala na akong kasama dito sa bahay" sabi niya.

"Huh? Bakit?"

"My parents died in a car accident 3 years ago. Then I only had my boy bestfriend but I can't find him now. hindi ko alam kung nasaan siya" she said.

Ouch! Naguilty ako sa pagtanong ah.

"S-sorry for asking"

"Ayos lang. Matagal naman na yun eh. Can you tell me your story kung bakit nagpaulan ka kagabi?" She asked.

"Uhmm.. before that, can I stay here for a while? I have a reason naman" sabi ko.

She smiled at me. "Sure. Pero di ka ba papasok?" Umiling ako sakanya at saka yumuko.

"I'll help you with anything you need. And okay lang din sakin na magstay ka kahit gaano pa katagal. But tell me what happened?" she asked.

Ikinuwento ko naman sakanya ang lahat ng nangyari.

Hinawakan ko ang kamay niya "pakiusap, kung magkikita kayo nung mga kaibigan kong yun, wag na wag mong sasabihin sakanila na nakita mo ako at dito ako magiistay. please?" pagmamakaawa ko.

She sighed and then nod at me. "Okay. Oh, pahihiramin muna kita ng mga damit ko and then we can go to the mall and shop together? Is that okay with you?" She asked bago lumabas ng kwarto.

Tumango naman ako sakanya then she smiled. "Okay! Magpagaling ka na agad dahil mamayang hapon, if okay ka na, we can shop together" sabi nito at saka lumabas na ng kwarto.

Hayysss... kamusta na kaya sila kuya at sila Jenny? Hindi ko naman kasi pwedeng buksan ang cellphone ko dahil for sure, matatrace ni Xander kung nasaan ako.

Pinatay ko nga pala kasi kagabi yung cellphone ko.

Hayy.. sakit pa rin ng ulo ko! Magpahinga na nga lang ulit!

*****
Jenny's pov

Sabado ngayon kaya walang pasok. Andito kami sa dorm at grabe ang pag-aalala kay Avie.

Asan na kaya siya? Okay lang kaya siya?

Habang nasa gitna nag pag-iisip ay may biglang kumatok sa pinto.

"Oh, wala ba ang bantay kaya madali kang nakapasok?"

"Wala. Teka, bumalik na ba si Avie?" He asked at sumisilip silip pa sa kwarto.

Umiling ako at saka yumuko.

"Hayy. Basta kung icontact kayo ni Avie, sabihan niyo agad kami ha?"

Tinanguan ko siya at saka umalis na siya. Kawawa naman din tong si Ian. Tsk. Kasalanan din naman kasi nila.

Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan ulit si Avie. Baka sakaling sagutin na niya yung tawag.

Avie? Asan ka na ba? Bakit ba nakaoff yung phone niya?

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now