CHAPTER 34: PINK POSITIVE

8.9K 168 9
                                    

CHAPTER 34: PINK POSITIVE

 

[BII'S POV]

"Akala ko kasabay mo si Son?" tanong sakin ni Dave habang nagdadrive. Hatid-sundo nya daw kasi ako. Parang di ko na nga magagamit kotse ko eh.

"nauuna na kasi yung pumapasok eh."

 

 

"di ba magclassmate kayo?"

 

 

"oo."

"eh bakit nauuna sya?" nagtatakang tanong sakin ni Dave.

"gusto nya kasing magcommute." sagot ko. Sasabihin ko sana yung tungkol kay Mr. Don't-know-the-name kaso baka magalit sakin si Allison kapag nalaman nyang kinukwento ko kung kani-kanino yun.

"ibang klase talaga yang si Son no? Hindi ba sya natatakot magcommute?"

 

 

"hindi. Gustong gusto pa nga nun eh."

 

 

"nakakatuwa talaga sya." nakangiti nyang sabi.

"oo nga eh."

 

 

"pero di ba mas okey kung sasabay sya sayo? iwas stress sa sa traffic?"

 

 

"may iba pa kasi yung ginagawa eh. Kaya yun. Pero ang alam sa kanila is sakin sumasabay si Allison every morning. Di kasi yan papayagang magcommute." pagkukwento ko kay Dave.

"pasaway talaga."

 

 

"oo nga eh. Ayaw nya daw kasing mag-alala sila Tita lalo na si Tito."

 

 

"okey. Hanggang five lang kayo ngayon di ba?" pag-iiba ni Dave ng usapan.

"Yap. Ikaw?"

 

 

"Hanggang six pa bhie. Paano yan?" tumingin saglit sakin si Dave.

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Where stories live. Discover now