CHAPTER 36: LOOKING FOR IKEY BABY

7.2K 150 12
                                    

CHAPTER 36: looking for Ikey

 ----

DEDICATED TO YOU ^____^

----

Pagpasok nila sa rooftop nahalata agad nila ang pagbabago ng mood ni Alex.

"oh Alex? Bakit parang binasted ka ni Son?" biro ni Brayden pagkakita nya kay Alex.

Biro lang naman talaga yun walang ibig-sabihin dun si Brayden kasi sobrang lungkot lang ng mukha ni Alex. kaya nasabi yun ni Brayden pero iba ang dating nun kay Alex.

"what happen? Where's Son?" tanong naman ni Nathan kay Alex.

"uh oh? Don't tell me binasted ka talaga ni Son?" Landon

"Shut up you two!" pagalit na sigaw ni Alex sa dalawa. Sobra kasi syang nasasaktan dahil sa sobrang selos tapos babanatan pa sya ng basted basted na yan.

Natahimik naman yung dalawa kasi ngayon lang sila ulit nasigawan ni Alex. Naging masayahin at laging nakangiti kasi si Alex magmula ng makilala nya si Son kaya nagulat si Bray at Lan.

"Alex is back!" si Tim yung nagsalita. Nagising sya sa sigaw ni Alex.

"ano bang nangyari?" umalis sa pagkakatayo nya si Nathan kung saan nakikita nya yung crush nya at lumapit kay Alex na nakaupo sa isang tabi.

"back?" tanong ni Drew. Kakarating nya lang din sa rooftop, "oh Hi Bea! What are you doing here?" sya ang unang nakapansin kay Bea na kasama ni Alex.

"Hi Bea! Andyan ka pala." nakangiti pa at kumaway pa si Landon.

"hello Bea." Brayden

"hi!" Tim

sunod sunod na bati nila kay Bea.

"Dito ko daw kasi intayin si Dave. Wala kasi akong dalang kotse." sagot ni Bea kay Drew at ngumiti sya sa lahat.

"ok. Pagpasensyahan mo na si Alex ha? Bumabalik sya sa dati nyang ugali." Drew

"ok lang. Alam ko naman kung bakit sya nagkakaganyan eh." Bea

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Where stories live. Discover now