CHAPTER 51: CONFRONTATION

7.2K 134 4
                                    

CHAPTER 51: CONFRONTATION

[BII’S POV]

Papasok na ako ngayon kasi ayaw kong mag-alala na naman si Allison. Kahapon umabsent pa siya kasi pinuntahan niya pa ako dito sa bahay. Di namin napansin ang oras dahil puro kalokohan ang mga ginagawa ni Allison.

Hindi rin naman namin napag-usapan ng matagal ung problem ko kasi palaging nauuwi sa biruan. Naglaro lang kami ng kung anu-ano. Nagcomputer kami, kumain, nag movie marathon. Feeling sembreak kami. Di namin naalala na may pasok pa pala kami.

Kahit isip bata yung babaeng yun, nagiging masaya ako kapag kasama siya. Ang dami nga naming pictures eh. Ginawa pa niyang cover photo sa facebook niya yung mga pictures namin. Nakalimutan ko pansamantala ang problema ko.

“Miss Bea, andiyan na daw po sa baba si Sir. Dave.” Tawag sakin nung isang maid namin dito sa bahay.

“sige. Baba na ako.” Sabi ko.

Inayos ko na ang gamit ko.

I’ll try to be civilized kay Dave mamaya pero di ko masasabing hindi ako magiging cold sa kanya.

Gusto niya na puro secret eh di magsesecret din ako sa kaniya.

Nang makalabas na ako ng gate nakita ko si Dave na nakasandal lang sa kotse niya na parang ang lalim ng iniisip. Siguro iniisip neto kung paano ako yayain para pumayag na maengage sa kanya.

Nakatayo lang ako malapit sa kanya. Di ko alam ang gagawin ko. Di ko alam ang sasabihin ko o kung magsasalita ba ako. Ngayon kasing kaharap ko na siya, bumabalik sakin lahat ng mga narinig ko sa naging usapan nila Mommy at Daddy.

“bhie, andiyan ka na pala.” Nagulat pa si Dave ng makita niya ako sa harapan niya. Di niya siguro ineexpect na makikipagkita ako sa kanya ngayon.

Dali dali niyang binuksan ang kotse.

‘bhie your face! Kung makabhie parang totoo. Puro kasinungalingan lang naman pala.’ Sa isip ko lang sinasabi yan.

“buti naman sumabay ka na sakin ngayon. Lobat ba ang cp mo? Di kasi di kita makontak mula pa nung Monday.” Nakangiting sabi ni Dave.

Ako? Nakapoker face lang. di ko alam ang irereact ko eh. Di ko kasi alam kung totoo talaga ang ipinapakita sakin ni Dave.

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Where stories live. Discover now