CHAPTER 58: AWAKE!

7.4K 146 4
                                    

CHAPTER 58: AWAKE!

Ngumiti ako at napatingin kay Allison habang kinukulit siya ng ibang dreamguyz. Yung iba tahimik lang sa isang tabi. Alam ko naman na nagkecare sila. Kaya nga andito sila.

Aliison please wake up.

“hoi! Bray bakit kain ka ng kain diyan!”

Napatayo ako ng marinig ko ang boses ni Allison. Silang lahat na nakapaligid sa kanila ay natahimik din. Sa sobrang tahimik na kapag nahulog ang isang karayom ay maririnig mo.

Ako naman ay lumapit kay Allison na nakahiga, kahit sila Dave at Ikey ay lumapit din.

Nakita ko na nakangiti si Allison kay Brayden na nashock. Nakaupo pa siya sa higaan ni Allison habang kumakain ng apple.

“oh bakit ganyan mukha niyo? Saan ang multo?” nanghihinang sabi ni Allison. Medyo natawa pa siya ng mahina.

“gising ka na?”

 

 

“thank God!”

 

 

“wahh! Namiss kita Son!!”

 

 “ay hindi tulog pa kaya ako. kaya nga nakakapagsalita na ako. ingay niyo, kitang natutulog ang tao ehh.” Reklamo pa ni Allison.

“gising na talaga ang mahal na prinsesa. Akala ko kailangan ko pang tawagin si hubibi este ang Prince charming ng mahal na Prinsesa.” Nakangiting sabi ni Ikey. Napapansin ko lagi niyang nababanggit ang Hubibi. Siguro alam na ni Alex kaya ganun.

“sshhh! Wag kang maingay Ikey-baby pero bakit andito kayong lahat sa kwarto ko? Lagot kayo kay Papa kapag nahuli kayong andito sa kwarto ko.” Allison

Natawa naman daw ako. parang nananaginip pa tong si Allison kahit ang mga dreamguyz nagtawanan din.

“ibang klase ka talaga Son-baby. Napapatawa mo kaming lahat.” Ikey

“di naman ako nagpapatawa ah!” nakapout na sabi ni Allison.

Nakita ko na magsasalita sana si Mitch pero lumapit ako sa kanya at bumulong.

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Where stories live. Discover now