CHAPTER 48: JEEPNEY SCENE PART 6

7.1K 192 19
                                    

[SON’S POV]

Uwwwaahhh!! Morning na naman and its Monday.

Oh lalala!

I’m so excited to see my Hubibi.

Maaga akong gumising ngayon kasi makikipagkita ako kay Hubibi ko. Excited na akong masilayan ang  gwapo niyang mukha. Ang tagal ko rin siyang hindi nakita. Ano na kayang itsura niya?

Lalo kaya siyang gumwapo o baka gumwapo? Haha!

Ang saya saya talaga!

Almost one week ko ring tinitiis ang sarili ko na hindi makipagkita sa kaniya kahit gusting gusto ko na. Miss na miss niya na siguro ako.

Wehehe! Asa!

Eh ano naman? Masama bang mag-isip na namimiss din ako ng Hubibi ko? Two weeks din niyang hindi nasilayan ang pretty face ko kaya dapat lang mamiss niya ako. Minsan lang siya makakita ng kasing pretty ko.

~_______^

Naalala ko lang yung sinabi ng professor ko sa.. saan nga ba yun? Basta naging prof ko yun. Hehe. Ang galing kasi niyang prof kaya natandaan ko pa yung sinasabi niya kapag nagtuturo siya.

Bakit ko nga ba nabanggit yun prof kong yun? Ay oo. Kaya I don’t consider myself beautiful kasi malaking responsibility ang pagiging maganda. Yun yung sabi niya. Kaya pretty nalang.

Tama na nga to. Makaligo muna at kailangan kong maging mabango kapag nagkita kami ng hubibi ko.

----

Ang ganda ng ngiti ko habang naglalakad papunta sa terminal ng jeep kung saan kami nagkakakitaan ng Hubibi ko. Lahat nga ng makasalubong ko napapatingin sakin. Ang pretty ko daw kasi hehe. Choss lang. nawewerduhan lang siguro sila sakin kasi ang lapad lapad ng ngiti ko.

Lapit na ako. Natatanaw ko na ang hibla ng buhok ng Hubibi ko. Choss lang ulit. Hahaha! Masaya lang ako. Kasi andun na si Hubibi nakaupo lang. iniintay ako.

Naglakad na ako papalapit sa kaniya. Di ko inaalis ang pagkakatingin sa gwapo niyang mukha. Di naman siya nakatingin sakin kaya nakakatitig ako sa kanya.

Hay!! Ang pogi pogi pa rin ng Hubibi ko.

Para nga akong slow motion na lumalapit sa kanya ng----

“Aaayyy!” natapilok ako and worse napaupo ako sa daan. Nagtinginan sakin ang mga tao kasama si Hubibi.

Nakakahiya naman woh. Napapikit ako sa sobrang kahihiyan. Akma sana akong tatayo ang kaso sobrang sakit ng paa ko.

“may nahuli ka bang palaka Miss?” sabi ng maarting babae na dumaan sa harap ko.

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon