Chapter 17

137K 9.8K 3K
                                    

A/N: Hi, readers! I don't really proofread. Expect errors. Sorry.

Chapter 17

Pagsalubong

Isa lang ang ibig sabihin ni Hua, sa sandaling iwan ko na ang Deeseyadah sa pagkakataong ito, kailanman ay hindi na ako makababalik.

Hindi ko na masisilayan pa ang ganda ng mundong bumuhay sa akin, ang mga ginto, kristal, ang nagniningning na puti, ang mahiwagang puno ng En Aurete at maging si Dyosa Neena.

Sa matinding paninidigan ng mga dyosa rito na mapanatiling malinis ang mundong ito, hindi na sila nagbibigay ng pagkakataon magbukas para sa pagbabago.

Isang uri ng pagbabago na itinuturi nilang kasalanan.

Ngunit hindi ba nila naiisip na kailanman ay hindi nila mapapanatili ang panuntunan mula sa nakaraan? Patuloy na magbabago ang lahat at kung hindi sasabay sa agos ng pagbabago, ano na lang ang mangyayari sa mundo?

Isang pamumuhay na huwad at pawang kasinungalingan.

"Kailangan mo nang magdesisyon, Leticia."

"Papaano kung sundan nila ako sa inyong kaharian? Dadalhin ko lamang ang suliranin sa tahimik mong mundo."

"Leticia, saka na natin isipin ang bagay na ito. Kailangan mo nang umalis sa mundong ito sa lalong madaling panahon. Hindi na magagawang patagalin pa ni Dyosa Neena ang pagpupulong at ang huling desisyon, maaaring bukas, sa susunod na mga araw o sa susunod na linggo. Mas mahihirapan tayong tumakas kung ang kanilang mga mata'y nakatutok na sa'yo."

Nanatili akong tahimik at inisip ang mga salita ni Hua. Dalawa lamang ang mundong siyang maaari kong takbuhan, ito'y ang mundo ni Hua o ang mundo ng mga bampira.

Wala akong kasiguraduhan sa magiging hatid ko sa mundo ni Hua, ngunit alam kong sa sandaling bumaba ako muli sa mundo ng mga bampira, magiging limitado lang ang pagbaba ng mga dyosa kung nais ako ng mga itong sundan.

Ilang taon na ang nakalilipas ng huli akong bumaba sa lupa, ano na kaya ang kanyang kalagayan at ng kanyang emperyo? Masaya na kaya siya ngayon at ang babaeng—

Huminga ako nang malalim, kung bababa ako sa kanilang mundo, iisa lang ang aking rason, ito ay ang ilihis ang mga dyosang posibleng humabol sa akin sa kaharian ni Hua.

Hindi ko yata kayang isugal ang buhay ng kapwa nilalang ni Hua, dahil lamang nais akong nitong tulungan.

"Hua, sa mundo ng mga bampira. Sa Nemetio Spiran."

"S-Sigurado ka ba, Leticia?" tumango ako sa kanya.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Hua, lumipad na ito sa labas ng aking kulungan at muli niyang ginaya ang aking kaanyuan. Nasa akma nang magliliwanag ang aming mga katawan nang makarinig kami ng nagmamadaling yabag ng mga paa.

Iniluwa nito si Dyosa Neena na may dalang lampara, agad kong nakita ang luha sa kanyang mga mata.

"Hindi ko na kayang makipagtalo sa kanila... ang sakit pagmasdan na unti-unti nang nababaluktot ng akalang kalinisan ang mundong ito. Kailangan nang umalis ni Leticia sa oras na ito, dahil bukas ng umaga'y paiinumin siya ng gatas na may lason."

Para akong kakapusan ng hininga nang marinig ko ang sinabi ni Dyosa Neena, tinanggap ko na ang habangbuhay na pagkakapiit, ngunit hindi pa rin ba ito sapat? Hindi ba nila nakita ang kaayusan sa mundo ng mga bampira at lobo?

Humawak ako sa aking ginto rehas na lumuluha.

"Dyosa Neena, ano pa ang ginagawa mo rito? Mapanganib nang makita ka rito, nagpaplano na kami ni Hua."

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon