Chapter 29

119K 7.5K 1.5K
                                    

Chapter 29

Mga Emperyo

Mabilis nakarating ang balita sa mataas na palasyo ng Parsua Sartorias tulad ng inaasahan.

Ang lihim na ilang daang taong pinangalagaan ni Dastan simula sa kanyang pagkabata ay tila naglaho ng parang bula sa isang iglap lamang. Isang paghubad sa maskarang nagbigay sa kanya ng kalayaan at magaang komunikasyon sa kanyang nasasakupan.

Pagpapakilalang inakala kong kanyang ihahandog sa akin, ngunit sa harap ng aking mga mata'y inihandog sa palad ng kanyang unang pag-ibig.

Napuno ng bulungan at singhapan ang kumpulan ng iba't-ibang nilalang habang sinasaksihan ang paglantad ng itinatagong pagkakakilanlan ng hari sa likod ng kanyang maskara.

Maskarang hinayaan niyang malaglag sa lupa upang iyakap ang mga bisig—sa isang nangangailangang babae...

Hindi na kinailangan pa ng haring maghintay ng napakatagal para makatanggap ng agarang aksyon. Dahil ilan sa kaniyang mga kapatid ang mismong nagtungo ng personal sa pampublikong pamilihan na bihira lang puntahan ng mga maharlika.

Biglang lumitaw ang isang eleganteng karwahe mula sa makapal na puting usok na umagaw sa pansin ng mga nilalang na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang makapaniwala na si Natad, ang binatang manlalakbay na inakala nilang kanilang higit na kilala ay siya pa lang kanilang tinitingalang hari.

Hindi na mawari ang pagkamangha at sunod-sunod na pagkagulat ng napakaraming nilalang.

Bumaba sa karwahe si Lily at Caleb.

"Your Majesty," sabay na bati ng kanyang dalawang kapatid na bahagyang yumuko bilang paggalang.

"A-ano ang nangyari kay Leti—" hindi na natuloy ni Lily ang kanyang katanungan nang makita niyang ibang babae ang buhat ng hari.

Tila rito natauhan si Dastan at iginala niya ang kanyang mga mata sa dagat ng mga mamamayang nais panuorin ang bawat kilos ng niya.

"L-leticia..."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa mga oras na ito, gusto kong tumakbo at magtago ngunit saan ako magtutungo?

Ngunit natagpuan ko ang sarili kong humakbang na ng paatras, magkukubli na sana ako sa mga manunuod nang maramdaman kong may humawak sa aking siko.

"Mahal na reyna..." bulong ni Caleb mula sa likuran.

Hindi na nagpatuloy ang paglalakbay ng mga mata ni Dastan dahil nagmadali na siyang sumakay sa karwahe matapos saglit na lumapit sa kanya si Lily at bumulong sa kanya.

Siguradong magiging malaking balita ito, hindi lang sa Sartorias kundi sa mga karatig emperyo. Hinayaan kong alalayan ako ni Caleb hanggang sa makatawid kami sa usok na siyang kapangyarihan ni Lily.

Dalawang karwahe ang lumantad sa amin na nasa ilalim ng malaking puno, kung hindi ako nagkakamali ay natadanan namin ito ni Dastan nang patungo pa lang kami sa pamilihan.

Naghihintay na sa amin si Lily na agad akong sinalubong at hinawakan ang aking kamay.

"I don't know what happened, pero hindi ko gusto ang natagpuan ko. Alanis is a good friend of Gazellians, I like her, but Dastan's approach is—he's an ass." Tanging pagtitig ang nagawa ko kay Lily. Saglit na tumawa si Caleb.

"I thought she's dead?" tanong ni Caleb.

"I don't know." Nalilito nang sabi ni Lily.

Sasabay na sana ako sa karwaheng sasakyan ng dalawang magkapatid nang pigilan ako ni Lily. Itinulak niya ako sa harap ng karwahe kung saan nasa loob si Dastan at si Alanis na hanggang ngayon ay sa bigis lang ni Dastan nagagawang kumalma.

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon