Chapter 23

156K 9.2K 3.5K
                                    

Chapter 23

Naudlot

Kung ang kanyang malambing na salita'y sukatan ng ligaya, aking tenga'y habang-buhay nakabukas sa kanyang malamig na tinig...

Kung ang sukatan ng ligaya'y ang kanyang mga haplos, aking mga balat ay habang-buhay tatanggap ng kanyang mga hagpos...

Kung ang sukatan ng ligaya'y kanyang mga labi, aking isipan ay matututong 'di magdadalawang-isip...

Kung ang sukatan ng ligaya'y sa loob ng sirang karwaheng napupuno ng dilaw na bulaklak, malugod kong ihahandog ang aking sarili sa mga mata ng hari...

Kanyang mga mata'y nagsusumamo, sumasamba at umaangkin...

Kanyang mga pangil ay nananabik, naghahanap at nais nang kumawala...

Galaw ng kanyang lalamuna'y hudyat ng matinding pagkauhaw...

Aming paghinga'y nagsisimula nang gumawa ng ritmo...

Nais akong angkinin ng hari, ngunit nais nitong pagyamin ang kanyang mga sa anumang nakahain sa kanya. Tila ako'y isang uri ng regalong babago nito binuksan at nais kilatisin nang napakatagal na oras. O di kaya'y isang uri ng binhi na nais hanapan ng pagkakamali.

Aking mga mata'y nais magpikit, mga braso'y nais iyakap sa sarili, mga binti'y patuloy na nangangatal sa matinding hiya...

"H-Haring Dastan..." nag-iwas ang aking mga mata mula sa kanya. "I-Iyong mga mata'y tinutunaw ako..."

Wala sa sariling nakagat ang pang-ibabang labi, nangangatal ang ilang daliri ko habang pinaglalaruan ang dulo ng aking mahabang buhok habang ang aking mga hita'y bahagya nang nagkikiskis.

Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa hari, dahil tila ito'y natigilan at patuloy na humahanga sa aking katawan buong katawan. Pakiramdam ko'y isa akong bulkan na anumang oras ay sasabog.

Ni hindi alam kung saan magsisimula. "D-Dastan..." halos bulong na tawag ko sa pangalan niya. Muli kong nakagat ang pang-ibabang labi ko.

"Aking reyna..." mariin akong napapikit nang bumaba ang kanyang kamay sa akin, hanggang maramdaman ko ang isang daliri niyang inaalis ang aking pagkakakagat sa aking labi.

"Ako ang kakagat, Leticia..."

Muling nag-isa ang aming mga labi, bawat pag-angkin ng labi ng hari'y paglalim na tila higit sa pagsalok ng tubig sa isang malalim na balon. Aking mga braso at hita'y yumakap sa kanya. Aming mga dibdib ay tila naglapat at katawa'y higit na nagningas sa bawat galaw ng haring tila pinararamdam sa akin ang kanyang kahanga-hangang kakisigan.

Kung kanyang kaligayaha'y pagkagat sa akin, kanyang pangil ay tatanggapin...

Kung kanyang kaligayaha'y aking mga yakap, ako'y malugod na yayakap sa kanya...

Kung kanyang kaligayaha'y pagtawag sa kanyang ngalan, ako'y di magsasawang ibulong ang kanyang ngalan...

Kung kanyang kaligayaha'y aming pag-iisa, ako'y buong pusong magpapaangkin sa haring para sa akin...

Mas dumiin ang halik, mas naging agresibo at nakapag-aanyaya. Tila bawat galaw nito'y nais akong makipaglaro, tumuklas at maghanap kasabay ng bawat indayog na hindi lang ng labi maging ang aming mga dila.

Mas bumigat ang aming mga paghinga nang sandaling labi'y naghiwalay, kanyang mga mata'y lalong tumitingkad ng pula.

"Aking reyna..." marahan niyang pinunasan ang butil ng pawis sa aking noo. Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ko rin ang pawis niya. Sa pagkakataong ito'y ako naman ang nagtanong sa hari.

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon