Chapter 30

135K 8.1K 1.1K
                                    

Chapter 30

Mga Hari

Bilang itinakdang babae para sa isang haring may mabigat at malaking tungkulin, ang pagpapalawak ng kaisipan ang siyang isa sa aking mainam na sandata at kung maaari'y higit itong sanaying mamayani, una sa puso... una sa nararamdaman.

Dahil kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, si Dastan na siyang bampirang aking minamahal ay unang minahal ang kanyang panunungkulan higit sa anumang bagay o nilalang. Ang kanyang pagmamahal, hindi sa korona o ang magarang trono, kundi ang kanyang nakalakihang dedikasyon para maglingkod.

Marahil ay pangalawa lamang ako, pangatlo, pang-apat...

Mariing magkasalikop ang aking mga kamay habang nakaharap kay Dastan na kasalukuyang namamaalam sa akin.

Ang hari'y ngayo'y nakasuot ng kanyang pandigma, nais kong hangaan ang kanyang angking kakisigan ngunit ang kaalamang ito'y magtutungo lamang sa isang uri ng karahasan, ang paghanga'y unti-unting naglaho.

"Magbabalik ako Leticia..." tanging pagtango ang aking nagawa. Gusto kong sumama ngunit ano ang gagawin ko sa isang digmaan? Ngayo'y wala akong boses at mas lalong magiging kumplikado ang maaaring mangyari kung basta na lang ako lilitaw na walang opisyal na pagpapakilala.

"Anumang oras ay darating ang ilang Viardellon para umagabay sa palasyo habang wala ako. Maging si Evan ay pabalik na mula sa mundo ng mga tao." Anunsyo ni Dastan sa natitirang mga babae sa palasyo.

"The borders are secured by our enchantresses, Your Majesty." Tumango si Dastan sa sinabi ni Claret.

Katulad ni Dastan ay unipormado na rin ang natitirang mga lalaking Gazellian, kanilang mga kasuotang pandigma ay nagniningning mula sa siklab ng apoy na namamayani sa silid ng tanggapan ng palasyo ng Parsua Sartorias.

Si Adam at ang kanyang mga kauri'y kasalukuyan na ring kumakalat sa buong nasasakupan ng Parsua Sartorias para sa mas matibay na proteksyon kung may paglusob na mangyari.

"P-paano kung isa itong patibong? What if they want to take over this empire without your presence?" nangangatal na tanong ni Harper.

"I don't care! My brothers are dying out there! Kung totoo ang sinasabi n'yong ang lumulusob sa amin ay mula sa mga naglahong emperyo na nais agawin ang posibilidad na paghahari ni Haring Dastan sa buong Nemetio Spiran, kailangan n'yo silang labanan. Deltora is one of your best alliance, if your enemies will make us your damn bait then fucking bite it. Because you know what? Iyong tatlo kong kapatid! Kahit alam nilang ginagawa kayong patibong, tatakbo sila rito! That's how foolish they are! How loyal they are!" lumuluhang sabi ni Prinsesa Marah.

Pilit siyang pinakakalma ni Kalla.

"Abandoning your empire is the last thing I will do, Princess Le'Vamuievos." Sagot ni Dastan.

"Then do it, King Dastan. Sasama ako."

Halos lahat ng mga babae ay umiling sa sinabi ni Prinsesa Marah. Bago pa magpumilit ang prinsesa ay sumenyas na si Zen kay Lily para maglabas ng usok na kanilang gagawing lagusan.

Saglit sumulyap sa akin si Dastan at marahang tumango. Sa labas ng palasyo'y agad natipon ni Finn ang kalahati ng batalyon ng Parsua Sartorias na kapwa rin pinatawid ni Lily sa kanyang usok.

At nabalot ng katahimikan ang buong palasyo ng Parsua Sartorias matapos lumisan ang mga lalaking Gazellian.

Nanatili akong nakaupo sa may bintana habang natanaw sa labas ng palasyo, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng mga dyosa, bakit hindi na lang nila ako hayaan?

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon