09🌙

312 12 2
                                    

donghyun

nasa clinic ako ngayon, ewan ko ba pero bigla nalang ako nahilo at nasuka kaninang umaga.

bumili kasi ako ng pagkain sa convenience store kanina, hindi ko alam kung allergic ba ako sa kinain ko or what.

nagpapahinga lang ako dito, hindi pa ako kumakain, pinainom ako ng gamot at inadvise na umuwi pero ayoko.

baka kasi magalala si mama, ayoko syang mastress dahil saakin.

pinikit ko ang mga mata ko at nagpahinga, nahihilo kasi ako uli kaya tinulog ko muna

klay

pumunta ako kay wooseok at nagpaalam na pupuntahan ko si donghyun sa clinic. nagpaalam rin ako sa president namin since free time namin at walang teacher.

nakarating na ako ng clinic at pumasok sa loob, grineet ko ang nagbabantay na nurse sa may table sa harap.

umikot ako sa clinic at hinanap si donghyun. pumunta ako ng boys section.

pagpasok ko ay may agad akong nakitang lalaki na magisang natutulog ng mahimbing sa dulong kama.

nilapitan ko ng dahan dahan, at agad napansin ang maputla nyang mukha, hinawakan ko ang noo nya at sobrang init nito, napansin ko na tubig lang ang meron sa bed side table nya.

hindi pa ata sya kumakain eh

lumabas ako ng clinic at pumunta ng canteen para bilhan ng makakain si donghyun. binilhan ko nalang sya ng chicken and rice at tsaka tubig.

pagkatapos ko bumili ay agad ako pumunta uli ng clinic para gisingin at yayain na kumain si donghyun.

nilapitan ko at umupo sa tabing kama, at nilapag ang pagkain sa table.

"donghyun my loves, gising na" sabi ko at kinakalabit sya.. hindi parin sya gumigising

"donghyun gising na, kumain ka na pls" sabi ko at inulit ang ginawa ko, kinalabit ko sya pero di parin nagising

umupo ako sa tabing kama at pinagmasdan ang anghel nyang mukha, ang cute nya naman... binilang ko rin ang mga nunal nya sa mukha ang cute..

"1....2..... 3.." sabi ko habang binibilang ang nunal nya.. agad naman gumalaw ang ulo ni donghyun at unti unting dinilat ang mga mata nya.

"kd? bakit ka andito?" sabi nya saakin with his raspy voice, halatang may sakit at nahihirapan sya.

"ahh ano kasi— binilhan kita ng makakain mo, i assume na di ka pa kumakain?" tanong ko sakanya at ngumiti ako.

agad naman syang tumango ng dahan dahan, nakahiga parin.

"bakit ka pumunta dito? alam ba nila na andito ka?" tanong nya saakin habang kinakain ang chicken and rice nya. habang ako nakaupo sa tabing kama

"ah oo alam nila, at tsaka..... gusto ko rin naman pumunta dito eh" sabi ko at tumingin naman sya saakin.. at ngumiti ng bahagya

teka lang?!!! ngumiti syaaa??!!! ANG CUTEEE

"thank you pala ah" sabi nya saakin

"ah donghyun." sabi ko.. lumingon naman sya saakin at tumingin sa mga mata ko.

"uhm—- bakit ka nagkasakit" tanong ko sakanya

"ah ano kasi— uhm siguro may nakain ako kaya ayun nahilo ako or may allergy ako sa food na yon.. pero hayaan mo na" sabi nya at bahagyang natawa.

inantay ko lang sya matapos na kumain. matagal naman yung free time namin. parang wala naman kami ginagawa eh.

nang natapos na sya ay kinausap nya ako..

"uhm kd" sabi nya

"hmm?" sagot ko naman

"may kasabay kabang umuwi?" tanong nya saakin

"wala kasi ako kasama eh, and feeling ko di ko kaya umuwi ng magisa since masakit pa pakiramdam ko" dugtong nya

"ah— oo si wooseok, sabay ka samin kung gusto mo" sabi ko at ngumiti naman sya.

"sige puntahan nalang kita mamaya sa classroom ah." sabi nya

"ah sige" sabi ko

"mauna ka na kaya baka macutting ka dahil saakin." sabi nya saakin at tumayo para ayusin ang bag nya

"and kd.." sabi nya

"hmm?" sagot ko naman

"thank you pala ah... na andito ka ngayon sa tabi ko" sabi nya at ngumiti

tangenaaaaa kinikiliiiggg akoooo!!

"ok lang donghyun ano kaba" sabi ko at kinuha ang bag ko

"una na ako ah see u later" sabi ko at lumabas ng room at kumaway.

kumaway rin sya pabalik..

habang naglalakad ako papunta sa classroom ay iniisip ko ang ginawa nya kanina.. nakakakilig, mukhang nafa-fall na ata ako sayo Keum Donghyun..

nakaabot na ako sa 1st building eh 2nd building naman room naman kaya onting lakad nalang... ng nakit ko si wooseok na patakbo papunta saakin.

"KD! KANINA PA KITA HINAHANAP" sabi ni wooseok na pasigaw

"ahh, bakitt?" tanong ko

"DIBA MAY PRESENTATION TAYO NGAYON KAILAN NA NATIN MAGPREPARE" sabi nya

"AHH OO NGA PALA SHET" sabi ko at natataranta

"tara na nga" sabi nya at hinila ako papunta sa room namin..

—-
hello po hihi, pls like and vote... lame chapter lol

chase|k.dh ✦Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora