017🌙

219 7 0
                                    

klay

kakagising ko lang, saturday ngayon. may lakad kami mamaya ni Wooseok, at pupunta si Donghyun mamaya.

sa totoo lang nafafall na ako kay Donghyun, ewan ko ba. pero andali ko mafall sa kanya.

hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ni wooseok. baka galit pa kasi sya eh. ganun talaga pag with honors bestfriend mo. consistent sya. since grade 3 kasama na sya lagi.

how to be you kim wooseok?.

kumain na ako ng breakfast pero 12 ako nagising. 2 pa naman yung lakad namin eh, so ayun kumain na ako at kumuha ng shorts at hoodie since casual naman today.

di na ako nagdala nagbag, binulsa ko nalang yung pera ko tsaka yung key at hawak ko phone ko.

maya maya ay may nagdoorbell. agad ko itong binuksan.

"ano kd ready ka na?" tanong ni wooseok saakin. ngumiti ako at tumango.

nilock ko na ang pinto at sinara ito, bumaba kami ni wooseok sa lobby at lumabas

"san mo ko dadalhin?" tanong ko
"sa langit" hindi ko sya narinig yung sinabi nya.
"ano yun? di kita narinig eh" sabi ko at napabuntong hininga naman sya.

"saan mo ba gusto?" tanong nya. ano ba gusto ko? ramen? sushi? crepe?

"magramen tayo please" sabi ko sabay akbay sa braso nya. clingy ako oo, pero yun yung paraan para makalibre ako. hihi

agad kami naglakad papunta, habang naglalakad ay pinagusapan lang namin ay pagkain.

nakarating na kami sa ramen resto. nagorder ako at naubos ko naman.

pagkatapos nun ay dumaan kami sa ice cream shop para bumili.

4:50 pm na at nasa park kami nakaupo. tinitignan lang ang langit.

"ang ganda noh parang ikaw" sabi ni wooseok.

"i know right" sabi ko sabay hair flip.

"pagnagkajowa ka ah huwag mo ko iiwan, magtatampo ako sayo" sabi nya sabay pout. bakit naman nya naisip na magkakajowa ako?

"hala, oa ka talaga.. huwag ka na sad halikan kita sa cheeks eh" sabi ko.

"sige gawa" sabi nya at nilapit ang pisngi sa labi ko.

"joke lang to naman" sabi ko at sabay layo ng pisngi nya sa labi ko.

nagusap lang kami doon, mga dreams namin tsaka nilalandi. may bagong nilalandi si wooseok, what's new?, pero di pa sya nagkakagirlfriend.

landian lang kaya ni wooseok hahaha

hinatid na ako pauwi ni wooseok ng mga 5:30. naggoodbye na kami sa isa't isa and all.

nagayos na ako ng damit. pinalitan ko ng pajama ang shorts na suot ko kanina.

umupo ako sa sofa at nagrelax lang.

nang may nagtext saakin...

chase|k.dh ✦Where stories live. Discover now