046🌙

211 8 5
                                    

klay

dumiretso na ako ng room at umupo.. nilapitan naman ako ni Dongpyo...

"bes, ok ka lang?" sabi nya saakin at umupo sa arm chair ko, at bigla naman nila ako pinalibutan.

"ok lang ako bakit?" sabi ko at nagfake smile ako... nakita ko naman si eunsang na nasa pinto kausap si donghyun.. mukhang nagaalala saakin si donghyun kung galit ako, pero iniwasan ko muna sya.

cinomfort ako nila dongpyo.. nagiging okay naman ako thanks to them.

nagsimula na ang klase at bumalik na kami sa sari-sarili namang upuan... nakita ko naman si Sujung.. na naglalakad sa hallway, nakita ko sya kasi may windows kami.. along the corridors... tiningnan nya ako at nag evil smirk...

t-teka?? nagsmirk sya, kala ko ba napatid sya?

baka totoo nga na nakipagbreak sya kay Jae kasi mahal pa daw nya yung boyfriend ko.

we're not sure, pero kung totoo man yan, hindi ko alam kung ano magagawa ko sa bruhang yan.

natapos na ang 3rd period at lunch na namin.. inaantay ako ni wooseok na matapos sagutan yung seatwork namin..

dumiretso na kami ng canteen.. inorder namin yung usual at umupo kami sa lagi naming inuupuan.. kasama rin namin sila eunsang and etc.

habang kumakain at nagdadaldalan. nakita ko naman pumasok si donghyun, may inaalalayan sya...

si sujung.. nakakapit si sujung sa braso ni donghyun, habang sya naman ay hawak hawak ang bewang ni sujung..

nakita namin lahat, lahat ng nasa table namin ngayon ay nakatingin saakin..

"LUH NAPAKA-" sisigaw sana si Dongpyo pero hinila ko sya paupo.

bigla naman nagtinginan lahat ng tao saakin.. napansin yun ni wooseok.

"ANO TINITINGIN NYO DYAN?" sigaw nya sa buong canteen.. nakita ko sila eunsang na nagfifist sign kay donghyun.. parang sinasabi na bugbugin daw nila sya.

nagpatuloy nalang ako kumain at iniwasan ang lahat ng bulungan..

"teh baka masapak ko to" bulong saakin ni Dongpyo.

nakita ko naman na umupo sila sa dalawahan na table sa canteen.. sige edi kayo magdate dyan.. enjoy

natapos na kami kumain at naglalakad na kami palabas.. dumaan kami kila donghyun kasi yun lang yung daanan na maluwag..

naglalakad lang ako ng may water bottle na nasa harapan ko, at di ko yun napansin..

nahulog ako pero...

nasalo ako ni Yohan sa gilid.. buti nalang talaga andoon sya..

magkalapit yung mukha namin ngayon, namumula kami pareho.. nandoon lang kami sa posisyon na yun ng bigla ako hinila ni Dongpyo..

"ay mas bet ko to, BAGAY NA BAGAY" sabi ni Dongpyo at in-emphasize yung word na "bagay na bagay" agad naman tumawa sila Minkyu sa likod namin.. at naglakad na kami palabas..

nakita ko yung mukha ni donghyun... alam mo na galit sya sa nakita nya..

bakit??, ikaw nga binuhat mo ex mo.. umagang umaga pa.. tas alam mo sa sarili mo na pineke nya lang yung nangyari..

nakarating na kami sa corridors ng room namin.. si Dongpyo kabit na kabit sa braso ko habang naglalakad.. clingy af

"uy kayo ah hahaha" sabi saamin ni Kuya Byungchan.. na tinuturo kaming dalawa ni Yohan..

si Yohan, nakatingin lang sa baba, t-teka?? namumula ba sya.. hahahaha ang cutee

"oh pasok na tayo mga pangit" sabi ni Dongpyo at pumasok kami sa sarisarili naming classroom.

chase|k.dh ✦Where stories live. Discover now