055🌙

210 8 1
                                    

klay

nagbihis na ako para sa date namin ni donghyun.

umuwi muna sya para makapagayos, pero babalik naman sya.

nagsuot lang ako ng shorts at nang tshirt tas sling bag..

nagbrobrowse ako sa phone ko ng bigla akong chinat ni donghyun

Keum Donghyun
•active now

Donghyun:
subukan mo magshorts.. di kita ilalabas

Donghyun:
magpapantalon ka ha? maliwanag?

Klay:
anubaa, ang inet inet eh

Klay:
tsaka pake ko ba sakanila..

Donghyun:
ang ikli ikli ng mga shorts mo, mabastos ka pa dyan babe.. maniwala ka saakin

Klay:
okay..

Donghyun:
oh galit ka ba??

Donghyun:
its for ur own good klay, ayoko na nababastos ang taong mahal ko.

Klay:
okay sige.. magpapantalon na po

Donghyun:
ok otw na ako

nagpalit na ako ng pants, sabi kasi ni donghyun eh.. ang inet inet pero may point rin naman sya..

bumaba na ako at umupo sa sofa para doon hintayin si donghyun.

inantay ko sya ng may nagdoorbell at agad ko naman yun binuksan.

"tara na?" sabi nya saakin na may hawak na single rose.

napangiti naman ako at tumango, tas iniabot nya yung bulaklak saakin.

agad naman kami naglakad papunta sa may bus station.. na nakaholding hands

"pasmado ako" sabi ko na agad bumitaa sa hawak nya... bigla nya naman ito hinawakan ulit at inintertwine ang kamay nya saakin.

"okay lang kd ano ba" sabi nya saakin at pinat ang ulo ko..

sumakay kami sa bus 43 papunta sa lotte world..

nakatulog ako sa byahe.. kaya di ko masyado naalala

ginising naman ako ni donghyun kasi nakarating na kami..

bumili kami ng tix at pumili ng headbands.. saakin yung fox ears habang sakanya naman yung pink na minnie mouse na ears.. ang cutee nyaaa

agad naman kami sumakay sa mga ridess

after namin sumakay ng mga 3 rides napagod ako kakasigaw.. ang tapang kasi ng kasama ko hayop

bumili naman si donghyun ng mga pagkain..

agad naman kami pumunta sa mga fireworks.. ang gandaaa

"alam mo ba dito ako magpropropose sayo" sabi nya saakin confidently..

"promise mo yan ah" sabi ko sakanya at ngumiti naman sya.. tumingin naman ako sa sky kasi ang ganda ng fireworks.. habang si donghyun nakaharap parin saakin

"wow! ang gandaaa" sabi ko... agad naman ako humarap kay donghyun na nakaharap saakin..

i gave him a "ano meron" look

bigla naman hinawakan ni donghyun yung bewang ko an inilapit sa kanya..

"klay nam, im going to marry you soon.. i wanna live with you forever, i love you" sabi nya saakin.. at inilapit nya ako sakanya..

at hinalikan ako, i kissed back..

after nya halikan niyakap nya ako ng sobrang higpit

"i love you klay nam" sabi nya saakin

"i love you too, keum donghyun"

chase|k.dh ✦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon