Chater 18

2K 51 3
                                    


"Favorite mo." May nilapag si Ieous na chicken joy with spaghetti. Umangat ang mga mata ko sa kaniya. Nakatayo siya sa gilid ng table na ginagamit ko.

"Paano mo nalaman?" Kunot noong tanong ko at 'di ko maiwasang mapangiti.

"Back in college, you always eat at Jollibee." He grinned and sat on the other side of this table.

"Stalker ka?" Tinaasan ko siya ng kilay. He shrugged

"Maybe?" He smirked with his eyes being playful.

"Dapat na ba akong matakot?" I giggled.

***************************************

The party ended with Ieous speech. The kids were receiving the giveaways from the fast food restaurant. Jollibee and Ieous were distributing it. The kids' smile were so bright and wide but my eyes were staring at Ieous complete set of teeth that has its own lighting. Putragis, pag brown out ata pwede gawing ilang 'yung ngipin niya sa sobrang linis at puti.

He was grinning and giggling with the kids . Mukha siyang may future sa pagiging tatay.

"Hija, maraming salamat sa pagtulong sa amin." Napabaling ako sa katabi ko na madre. Hindi ko namalayan na katabi ko na siya.

"Ah, wala po 'yon." Nahihiya akong ngumiti.

Nakonsensya ako eh. Sa totoo lang noong una gusto ko na umalis kanina. Kailangan ko mag-ingat, malapit sa langit 'tong jatabi ko baka sumama pa ako kay Ieous sa impyerno pag nagkamali ako dito ngayon. Mukha kasing may balak pa siya makipag-usap sa akin.

"Napaka swerte talaga namin kay Ieous. Na sa ibang bansa pa lang siya ay nagbibigay na siya ng donasyon sa amin. Gumanda ang tirahan ng mga bata dahil sa binibigay niya. Laking pasasalamat talaga namin sa kaniya." Naririnig ko ang kagalakan at taos-puso nitong pasasalamat habang nakatitig din kay Ieous.

Muntikan ko na sabihin na ginagawa niya lang 'yan para magmukhang mabait at suhol para iwas papuntang impyerno pero nagbaho ang isip ko dahil nasasaksihan ko ngayon ang sobrang kasiyahan ng mga mata ni Ieous pati ang ngiti ay abot langit. Dati mukha siyang diablo, ngayon...

Mukha na siyang anghel. Nahihilo ata ako kasi parang may malawak na pakpak sa likod ni Ieous pero hindi tulad sa pakpak ni Jollibee. Hindi rin pala ang mga ngipin niya ang nagbibigay liwanag, iyong mismong katawan niya pala. Lumalalim ang pagtaas at pagbaba ng aking dibdib habang pinapanood ang bawat kilos niya. Nakagat ako sa ibabang labi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, kakaiba ito at ngayon ko lang naramdaman. Iba e, may kakaiba.

And part of me... my pervy part wonders how does it feel to be in bed with such a kindness, I mean mabait parin kaya siya sa kama? Napapikit ako at napailing dahil sa mata ko saglit siyang naging hubad.

"Kaya masaya ko na may ipinakilala na siyang babae sa amin." Pumanik ang tingin ko patungo sa kaniya. Nakatingin siya sa akin at suot parin nag masayang ngiti. "Napakaganda mo hija, tama nga kwento ni Ieous. Alam mo ba, madalas siyang tumatawag para lang ikwento ka?"

Medyo nagulat ako sa sinabi ng madre. Nakakapagtaka naman para i-kwento ako ni Ieous baka naman pura ikasisira lang ng imahe ko ang kine-kwento niya.

"Ako po?" Kunot noong pagkukumpirma ko. Tumango ito.

"Oo. Na sa wakas ay muli niyang nakita ang babaeng kinahuhumalingan matapos niyang bumalik sa Pilipinas. Lalo ka daw gumanda hija at nag-uumapaw ka daw sa kabaitan--" naputol siya nang masamid ako sa sarili kong laway.

"Hija, ayos ka lang ba?" Marahan niyang pinapalo ang likod ko dahil sa pag-aalala.

Nang marinig ko 'yung binitawan niyang salita na nag-uumapaw sa kabaitan, nasamid ako. Hindi ako magpapakalinis pa, demonyita ako at kahit kailan wala sa bukabolaryo ko ang salitang kabaitan. Nag-uumapaw sa kabaitan? Nag-uumapaw ako sa katarayan at kasamaan. Doon pa lang masasabi ko na tama ang hinala ko na hindi ako ang tinutukoy ni mother. Maganda lang ako pero hindi ako mabait.

Teasing GameWhere stories live. Discover now