chapter 24

2.1K 57 9
                                    

Hindi niliban ng kung sinong poncho-pilato na ito ang tabi ko. Sinamahan niya ako hanggang sa tuluyan ako mag-relax. Hindi ito nagsasalita ngunit hawak nito ang palad ko at minamasahe ito habang nakatitig sa mukha ko. Ako naman itong nakatingin ng deretso at ini-empty ang utak.

Tinatanggal ko ang namumuong konklusyon na sanhi ng pagpigil sa pagkalma ko. Ayaw ko bumalik sa dati, ayaw ko na bumalik sa madilim na bahagi kaya naman iniiwan ko na malaman kung bakit ito muling nangyayari sa akin. Nangako ako sa sarili na hindi na mauulit ito.

"You're still shaking are you sure you don't want to go to the hospital?" Nag-aalalang tanong ni Bantay. Bantay muna name niya hindi ko siya kilala.

Umiling ako at humugot ng malalim na hinga.

"Thank you for helping me but I think we need to head back, the auction is probably starting." I said at kinuha kamay ko mula sa kaniyang mga kamay at tumayo.

Sumunod naman siyang tumayo at parehas naming pinapagpag ang mga damit namin. Ngumiti kami sa isa't isa pero ang kaniya ay may halong pag-aalala parin.

"Shall we?" Maginoong sabi niya at inofer ang kaniyang braso. Hinihingi niya ang permiso ko na iangkla sa kaniya ang braso ko.

Napakamot ako sa gilid ng tenga ko at bumulong.

"Ay wait, nilalandi ba ako nito? Kumag 'to, mukha ba akong marupok?" Narinig ko siyang tumawa

"No, I'm just trying to be polite." He said, smiling at me.

Napakurap ako dahil nagulat ako ng maintindihan niya ang sinabi ko.

"Naintindihan mo ako?" Singhap ko. Tumango ito.

"Of course, my father is a Filipino." Sagot nito at halatang natutuwa sa reaksyon na ibinibigay ko. Hindi makikita sa mukha niya ang pagka-Pilipino, mukha siyang Kastila.

Tumawa akong pilit at pinalo siya.

"Ito naman, sige ah lalagay ko na kamay ko pero walang halong malisya ah!" Mariing na sabi ko sabay angkla ng kamay ko sa kaniya. Ito ang kauna-unahang may gumawa nito sa akin, madalas wala akong partner na kasma abukod kay Wendy hahaha.

Mukha tuloy akong defensive pero mabuti nang malinaw. Hindi katulad ni Ieous, malabo.

Pumasok kami sa loob at tama nga ang hinala ko, nagsisimula na ang auction. Painting ang kasalukuyang bini-bid, grabe milyon na ang bidding price eh puro bilog at tatsulok lang naman at parang pinisik-pisik na paint lang. E ano naman ang alam ko sa arts, wala kaya hindi dapat ako manlait, bobo ako doon.

Bumaba ang ulo niya at may ibinulong sa tenga ko.

"There's an extra sit there." Tinignan ko kung saan siya nakaturo. Imbis na 'yung bakanteng upuan ang makita ko ay mukha ni Ieous ang nakita ko.

Masama itong nakatingin pero hindi sa akin, kay Bantay. Nang mapansin niya na nakatingin pala ako sa kaniya ay nakita ko na namilog ang mga mata niya at inilihis ang mata papunta sa stage. Gusto ko kamutin anit ko hanggang sa magdugo, anong pag-iinarte ang nangyayari sa lalaking ito.

"C'mon?" Nalipat ang atensyon ko kay Bantay. Tumango naman ako at naglakad na kami papunta sa bakanteng upuan.

Kahit na katabing table labg namin si Ieous ay minabuti ko na huwag muna siyang pansinin. Sa table niya ay may mga kasama siyang may mga edad na matatanda.

"Next, item! From Ms. Kelly Punsalan, where are you Ms. Punsalan?" Itinaas ko ang kamay ko at napunta sa akin ang spotlight.

"Wow, the spotlight made you look like a goddess." Sabi ng MC.

Teasing GameWhere stories live. Discover now