CHAPTER 10

85.4K 2.8K 422
                                    

Chapter 10

He's wearing a navy blue tux matched with a golden vest. Tiningnan ko si Marga at napansin ko ang mahiwaga niyang ngiti. His triumphant smile made me think that he did something behind my back. Siniko ko siya.

"Ano'ng nginingiti mo d'yan?" pabulong kong sita ngunit isang ngiti lang ulit ang isinukli niya sa 'kin.

"Kita mo na? Kahit sa outfit nag-match kayo ng kulay. Sign na 'yan," pabulong niya ring tugon.

"You looked dashingly beautiful."

Sid's eyes were still fixed on me. Pakiramdam ko tuloy ay hinuhubaran niya ako sa klase ng kanyang titig. I felt uncomfortable all of the sudden.

Tumikhim ako, "You look good yourself."

"Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Sayang at manhid 'yung isa," komento ni Marga. Sinamaan ko siya ng tingin. Tiyak akong may kinalaman siya kung bakit naging magkakulay ang kasuotan namin ni Isidoro Dela Vega. Humanda sa akin mamaya ang baklang 'to.

"Thanks. Shall we?"

He offered his right arm which I accepted with hesitation. Pasimple nga lang inangkla ni Marga ang braso ko sa braso ni Sid kaya't hindi agad ako nakapalag. Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang mahina niyang bulong.

"Enjoy-in mo na lang. Huwag ka nang mag-inarte kasi masisira ang gabi n'yo pareho. Minsan lang 'yan."

I gritted my teeth. Nakakagigil talaga ng baklang 'to!

"By the way, thanks, Marga."

Bahagya nitong nilingon si Marga. Parang sinilaban naman ang bakla dahil kumindat pa ito.

"You're most welcome, Fafa Sid. Ingatan mo 'yung kaibigan ko, ha? Nag-iisa lang 'yan."

"I surely will. Mauna na kami?"

"Sige, susunod ako sa inyo. Tatawagan ko lang ang mga bakleta para sunduin ako," tugon ni Marga na ang tinutukoy ay ang iba pa niyang kaibigang bakla.

Sinenyasan ko si Marga na sumabay na sa amin ngunit itinaboy niya kami na parang mga manok. Hindi niya yata naintindihan ang punto ko. Iniiwasan kong mapag-solo kami ni Isidoro dahil tiyak na kukulitin na naman niya ako.

I sighed in defeat. I hope this night will be over soon enough.

Pinagbuksan ako ni Isidoro ng pinto nang marating namin ang tapat ng kotse niya. Nang makapasok ako'y nagmamadali siyang umikot patungo sa driver seat. Hindi ako nag-abalang kausapin siya.

The environment suddenly became awkward, hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap. I wonder if we were thinking about the same thing. Nagkunwari akong busy kakadutdot ng cellphone para hindi niya ako kausapin.

Marami nang tao pagkarating namin sa venue. Taun-taon ay natutuon na pagtatapos na ng semester ang anniversary kaya't nagsisilbi itong despidida party para sa maikling bakasyon ng mga estudyante bago magbukas ang susunod na semester.

Nakatutok sa amin ang lahat ng mga mata pagkapasok pa lamang namin ng event hall. There were also executive and board of directors in front. Nagulat ako dahil doon kami patungo. Napatigil ako sa paglalakad na siyang ikinatigil din niya.

"Why? What's wrong, Serenity?" Ngayon ko lang napansin na parang ang seryoso ng kanyang mukha ngayon. Parang ang lalim ng iniisip niya mula pa kanina sa loob ng kotse.

"Pu—puwedeng dito na lang tayo banda sa likod?" mahinang bulong ko.

"No. I need to introduce you to my friends," he declined.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon