CHAPTER 11

74.2K 2.4K 338
                                    

Chapter 11

"HINDI namin si—sinasadya."

Tila namamanhid ang puso ko sa aking narinig. Tila gusto kong pagsisihan na umuwi pa ako rito sa probinsya. Saganang tumulo ang aking mga luha. I did not mind wiping off my face. Hindi ko maipaliwanag ang sakit dahil sa kabila ng lahat ay ganito ang madadatnan ko sa aking pag-uwi.

Pagkatapos kong malaman ang tungkol sa nangyari ay dalawang araw akong nagmukmok sa bahay bago ko naisipang kausapin siya.. Tumutol pa sana si Papa ngunit kinumbisi ko siyang kailangan kong kausapin si Ronald para maayos ang gulong ito.

Ang totoo'y triple ang sakit nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan din ako para kay Papa. Naging malapit sila ni Ronald magmula noong nililigawan pa lamang niya ako. Malaki rin ang tiwala niya rito dahil kilalang-kilala nila Mama ang pamilya ni Ronald.

"P—patawarin mo ako, mahal. Maniwala ka, hindi ko sinasadya."

"Kailan pa?"

Agad kong binawi ang aking kamay mula sa kanya nang bigla niya itong hawakan. Nakakatwang isipin na ang napakagandang tanawing ito ay magsisilbing simula at at katapusan ng lahat. Paborito naming puntahan ang burol na ito noon pa man. Mula rito ay tanaw-tanaw namin ang perpektong tuktok ng Mayon.

"Tinatanong kita, Ronald. Kailan pa?"

He shook his head. Napansin ko ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Sa totoo lang ay siya ang pinakahuling taong iisipin kong lulukohin ako. Ngunit hindi ko lubos akalaing siya pa pala ang pinakaunang magbibigay ng matinding pasakit sa 'kin.

"Bakit hindi ka makasagot? Ha? Kailan pa? Kailan n'yo pa ako niloloko? At bakit sa lahat ng puwede mong buntisin, pinsan ko pa? Bakit, Ronald?" I almost yelled at him.

"M—mahal..."

"Mahal?" sarkasmo kong tanong.

"Paano mo naaatim na tawagin akong mahal gayong nangbuntis ka ng iba? At ang masaklap pa, pinsan ko pa! Mahal mo ba talaga ako, ha?"

I hammered his chest but I was too weak to give weight to every punch I'm throwing him.

"Maniwala ka, mahal. Aksidente ang nangyari, pareho kaming la—lasing. Mahal, hindi ko alam kung paano nagsimula. Pareho kaming lango sa alak—"

"Tanginang alak 'yan, nakakabuntis!" madiing sigaw ko.

"M—mahal, papanindigan ko 'yung kasalanan ko pero please, huwag mo akong iwan. H—hindi ko kaya."

"Ikaw ang unang nang-iwan sa atin, Ronald! Dahil noong mga panahon nakipagtalik ka sa pinsan ko, inabandona mo na lahat ng pangako mo sa 'kin. Sa tingin mo ba, madali sa akin ang lahat? Hindi!"

"M—mahal, pakiusap."

"Bitawan mo ako!"

Iwinaksi ko siya nang akma niya akong hahawakan. Yes, it's true. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin na sa lahat ng babaeng puwede niyang buntisin ay pinsan ko pa.

"Alam mo, ang unfair mo. Sobrang unfair mo, Ronald." Naikuyom ko ang magkabila kong kamao habang tinitingnan siya diretso sa kanyang mga mata.

"Ipinaglaban kita! Ipinaglaban kita kasi akala ko ikaw ang tamang lalaki para sa 'kin, pero nagkamali ako."

"Mahal, pakiusap. Ipaglalaban kita, huwag mo lang akong iwan. P-patawarin mo ako."

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Ronald? At ano'ng gagawin mo sa pinsan ko? Iiwan na parang basahan pagkatapos mo siyang parausan?"

Sunod-sundo siyang umiling. Nagulat ako nang bigla siya lumuhod at niyakap ang magkabila kong tuhod.

"Maniwala ka, ikaw ang mahal ko, Serenity. Please—"

His Greatest DownfallWhere stories live. Discover now