Scene 5

9 0 0
                                    


"Jaz!" o ang bilis naman ni Lance. Titingnan ko kung ano yung binili niyang alak ng paglingon ko iba ang nakita ko.


"Aiden..." siya na naman...


Pwede bang kahit ngayong araw di ko siya makita?


Pwede bang kahit isang araw di ko marinig yung boses niya?


"o Aiden my boy! Andito ka din pala!" dumating na si Lance na may dalang bucket ng beer sabay apir kay Aiden. Pag kaupo niya tiningnan niya ako sa mata na para bang sinasabing 'ok ka lang?'. tiningnan ko lang siya at ngumiti.

"babe..." bigla akong may narinig na boses ng babae. Ngayon ko lang narealize na may katabi siyang babae at si Honey yung kasama niya.

"ay babe mga bestfriend ko nga pala. Si Jaz tsaka si Lance kilala mo naman sila diba?" pagkasabi niya niyan kumuha siya ng isang beer dun sa bucket namin.

"oo naman sino bang hindi nakakakilala sa inyo?" alam niyo naaasar na ako pag nakikita siya mas nakakaasar yung pabebe niyang boses. Sarap hampasin ha!


Pero kalma ka lang Jaz, wag ka ng magpaka apekto. Kaya ka nga nandito diba para makalimot. Nangako ka sa sarili mo na mag momove on ka kay Aiden kahit wala namang kami.


"sige dun muna kami sa baba kita nalang tayo mamaya" nagpaalam na si Aiden at bumaba na sila ni Honey. Kumuha ako ng isang beer at dirediretsong ininom yon.

"Jaz hinay lang pag ikaw nahimatay dito tamo iiwan talaga kita!" pagkasabi niya yan inagaw niya sa kin yung beer.

"wag mo ng pansinin yon! Relax ka lang ganda ganda ng view natin o sayang kung iiyak ka lang." tama siya sayang yung ganda ng paligid kung iiyak lang ako ngayon dahil sa lalaking yon.


After ilang oras medyo lasing na kami ni Lance kaya naisipan naming sumayaw muna bago umuwi.


Pababa na kami ng nakasalubong ule namin si Aiden...


"ui pupuntahan ko sa kayo tara sabay na tayong umuwi" nagkatinginan muna kami ni Lance bago diretsong bumaba.

Nilalamig na ako. Ganto talaga ako pag nalalasing kahit mainit ang panahon basta nakainom ako lalamigin ako. Dumagdag pa na nakadress ako at nakasleeveless kaya ayon yelo na ako pag uwi namin.


Paglabas namin ng bar...


"Jaz hatid na kita"

"Sabay ka na sakin"


Sabay nilang sinabing dalawa yan. Di ko alam kung lasing lang ba talaga tong si Aiden o ano. Kase ang gamit niya ngayon ay si Trex pangalan yan ng motorbike niya. May times na sinasabi ko sa kanya na gusto kong sumakay don pero ang sabi niya sakin ang pinapasakay niya lang don ay yung mga babae niya.


Nung narinig ko yan medyo natigilan ako. Muntik na sana akong umoo kay Aiden kaso naalala ko kung bakit kami nandito. Nandito ako dahil ayoko ng magpakatanga. Kaya tiningnan ko si Lance at sinabi ko na sakanya na ako sasabay.


"sige intayin mo ako dito kukunin ko lang sasakyan" pagsabi niya yan umalis na siya para kunin yung sasakyan niya at naiwan na naman kaming mag isa ni Aiden.

Behind the ScenesWhere stories live. Discover now