Scene 12

7 1 0
                                    


Simula nung araw na sinabi sakin ni Aiden na...



"Jaz, yung sinabi ko nung audition yun yung tunay kong nararamdaman. Totoo lahat yon. Wala sa script yon kasi yung ang gusto kong sabihin sayo"



Araw-araw na niya akong hinahatid sa set, kahit minsan wala naman siyang scene or dapat ishoot nung araw na yon pinipilit niya na ihatid ako. Minsan naman pag maaga ang uwian nila tinatawagan niya ako para sunduin ako. Sa totoo lang natutuwa ako at kinikilig ako, sino ba namang hindi kung yung long time crush mo ganyan ang ginagawa sayo. Aaminin ko nung mga araw na yan naging assuming ako. Nag assume ako na baka may gusto na saken si Aiden, nag assume ako na kaya niya sinabi saken yon ay dahil may nararamdaman na din siya sakin, nag assume ako na baka nagbago na siya at hindi na siya mambababae. Wala akong magagawa e marupok talaga ako.


"ok good job guys! Thank you, thank you, thank you sa effort niyong lahat! Thank you kase dinadamayan niyo kami sa puyatan at kahit umiinit na ang ulo ko naiintindihan niyo pa den ako. Thank you Jaz, Drei, and Aiden, alam kong kailangan niyong pumasok pero pinili niyo pa din kaming tulungan." Actually last day of shoot na namin ngayon kaya biglang nag speech si kuya Raf. Present lahat ng staff at artors/actress at may nakita akong ibang naluluha dahil kanina inanounce ni ate Jam na kasama sa top 15 yung movie namin sa 'Pista ng Pelikulang Pilipino' kaya sobrang gandang opportunity to para sa lahat.


"at syempre congratulations sa ating lahat, hindi ko inaasahan na makakasali tayo sa top 15 pero hindi naman ako magtataka dahil ang gagaling ng staff natin, kaya naman MAGSASAMGYUP TAYONG LAHAT!" nabuhayan kaming lahat sa sinabi ni ate Jam. Dali dali kaming nag pack up at dinala lahat ng gamit sa van.


"Jaz, tulungan na kita, dalhin ko na yung gamit mo sa sasakyan" kinuha na ni Aiden yung gamit ko. Hindi kami sabay pumasok ngayon dahil marami akong dali kaya napilitan akong mag drive ngayon tapos siya dala niya yung motor niya.


"sige thank you" inayos ko na yung mga script at props at lumabas na ako.


"Aiden mauna ka na, may dadaanan lang ako" sa totoo lang dadaan muna ako sa mall. Gusto ko kasing bigyan ng regalo sila kuya Raf at ate Jam dahil kinuha nila akong scriptwriter at dahil sa kanila for sure marami ng nacontact sakin na ibang directors. At syempre gusto ko ding ibili ng regalo si Aiden, kung hindi siya pumayag na maging isa sa mga cast baka nadelay pa yung movie namin.


"sure ka? Gusto mo samahan na kita?" hindi ko talaga maintindihan kung bakit sunod ng sunod tong lalaki na to sakin ngayon. Umiling nalang ako at nagdrive na papalayo.


Nakarating na ako sa mall at sobrang dami ng tao ngayon. Naisipan ko munang bumili ng ice cream kaya pumila muna ako sa Dairy Queen.

"isa pong medium chocolate chip" pag kaorder ko pumila na ako sa claim area nila ng biglang may nakita akong pamilyar na mukha.


"Ranee? Mark?" teka magkasama sila? At hindi ko alam?


Napalingon sila sa direksyon ko nung narinig nila yung pangalan nila at sobrang shock yung makikita mo sa mukha nila. Balak pa ngang tumakbo ni Mark palabas ng mall nung nakita niya ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind the ScenesWhere stories live. Discover now