Scene 9

4 0 0
                                    


Natapos na yung meeting namin at sobrang saya ko kase bukod sa excuse ako sa mga klase ko madadagdagan na naman yung experience ko.

"kuya Raf thank you, ako lagi yung hinahanap mo pag may bago kang project" buti nalang may mabait na estudyante si Papa.

"wala yon no dahil bukod sa para na kitang kapatid, alam kong talented ka, sobrang laki ng kita ng film ko pag ikaw ang partner ko kaya ginagamit lang kita no hahaha" sana talaga siya nalang yung nagustuhan ko edi sana happy ang heart ko ngayon kaso mas pinili kong maging tanga e.

"by the way, anong nangyari jan sa tuhod mo?" hala oo nga pala may sugat ako. Di ko na napansin kase sobrang excited ako dito sa bago kong project.

"aahh eto? Nadapa lang ako kanina pero ok na naman siya" nakita ko na medjo nadugo pa den siya tsaka ko lang naramdaman na nakirot pa din.

"halika na gamutin natin yan ihahatid na din kita sa dorm mo" tumayo ako at inalalayan niya ako. Bumili siya ng ointment at band aid sa maliit na botika malapit sa dorm namin. Lumapit siya sakin tapos nilinis niya yung sugat ko gamit yung mineral water sa sasakyan niya.

"ouuuccchhh!" pucha ang hapdi naman non! "wag kang malikot lalong sasakit yan" di na ako nagsalita at umayos ulit ako ng upo. Pagtapos niyang linisin hinipan niya yung sugat para di masyadong mahapdi. Aaminin ko nung ginagawa niya yon parang may kumiliti sa puso ko. Siguro kase first time lang na may gumawa sakin ng ganyan, first time lang na may gumamot na iba sa sugat ko.

"ayan sa susunod wag ng tatanga tanga ha!" hinampas ko siya para di na niya ako asarin.

"sige na umakyat ka na may pasok ka pa bukas. Sa Thursday tatawagan kita ulit mag memeeting na tayo" bumaba na ako ng sasakyan niya at nagpaalam na siya. Paakyat na ako ng bigla akong may nakitang lalaking nakatayo sa may gate.


"Aiden..."


"a- anjan ka na pala. Ano- a – pataas na din ako sige goodnight" sa sobrang bilis niyang  magsalita nabubulol na siya tapos nagmamadali pa siyang umakyat. Bat kaya nasa baba pa yon? Hinihintay niya kaya ako? WAG ASSUMING JAZ! Bumili lang yun ng pagkain kase may plastic na dala kaya wag kang assuming ha.


----


7:00 am


Bakit ba kasi napakaaga ng klase namin?! Pero kahit magreklamo ako dito wala na akong magagawa kundi pumasok. Palabas na ako ng kwarto ng makita ko yung mga band aid na binili sakin ni kuya Raf. Bigla kong naalala yung sugat ni Aiden. Ano ba kasing iniisip nung babae na yon at sinugatan pa si Aiden.

Kinuha ko yung band aid, idadaan ko muna kay Aiden. Bumaba na ako kakatatok na sana ako kaso nakita kong medjo bukas yung pinto niya.


"Aide--"


Parang bang may ilang kilong semento yung bumagsak sakin. Hindi ako makagalaw. Gusto kong tumingin sa iba pero parang hindi ko makontrol yung katawan ko.


Nakita ko na may babaeng nasa ibabaw ni Aiden tapos naghahalikan lang sila.


"hindi ka ba marunong kumatok?" narinig ko ng nagsalita yung babae.


'umalis ka jan!' 'bakit mo hinahalikan si Aiden?!"' gustong gusto ko yan sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong hilahin palabas yung babae pero pinigilan ko yung sarili. Kase bakit ba ako nasasaktan? O e ano naman kung may kahalikan siya? Kaibigan niya lang naman ako e.

Behind the ScenesWhere stories live. Discover now