Scene 6

3 0 0
                                    

"MinMin!" minmin? Wait ako yon a at siya lang natawag sakin non!



SI MARK?!



"Mark?! MakMak?!" tama nga ako si makmak nga yon.

"MinMin namiss kita sooooobbbrraaaaa!" pagkasabi niya niyan bigla siyang tumakbo para I hug ako syempre namiss ko din to kaya hinayaan ko na.

Siya nga pala si Mark pero MakMak tawag ko sa kanya. Childhood friend kami niyan kase noong bata kami magkapitbahay kami tapos Papa niya den ang tumulong sa Papa ko na maging successful yung first movie niya kaya ayon bestfriend kami pati na din si Ranee dahil simula bata kaming tatlo talaga ang nagkakaintindihan. Kaso nung 2nd year high school na kami bigla nalang siyang nagpaalam sakin...


*FLASHBACK*


"Ranee! Gutom na talaga ako di ko na kaya ako muna lalabas tapos sumunod ka ha" bumulong ako kay Ranee kase naman parang napakatagal ng nagsasalita nitong teacher namin kaya gusto kong pumuntang canteen kaya nagpaalam ako na pupunta akong CR pero kakain lang talaga ako.

Hinintay ko na makalabas si Ranee tapos tumakbo na kami papuntang canteen. At SAKTO! BAKE MAC! Haysss favorite ko talaga yan dito sa canteen 15 pesos lang tapos ang dami na. kaya bumili ako at humanap na ng upuan namin.

"Hoy Jaz 2 araw ng hindi napasok si Mark a anong problema non?" napansin ko nga din na hindi na siya napasok. Hindi namin siya kaklase sa kabilang seksyon siya pero sabay sabay kami laging tatlo na nag rerecess at naglulunch. Lagi din namin siyang ineexcuse kapag gusto naming mag cutting.

"di ko nga din alam e kahapon nung uwian dumaan ako sa bahay nila kaso wala namang tao. Tinatawagan ko pero di naman nasagot sakin e" sa totoo lang medyo naasar na ako kay MakMak wala man lang pasabi na mawawala siya ng 2 araw. Oo nag aalala ako bestfriend ko yon tapos di ko man lang alam kung nasan siya.

"tinry ko din siyang itext di din naman siya nagrereply. Pag talaga yon nakita ko tamo sasapakin ko yon" nako bago mo pa masapak yon bubugbugin ko na agad yon

"hayaan mo dadaanan ko ulit yon mamaya sa bahay pero sa ngayon bumalik na tayo sa room. Mauna ka na bibili lang akong palamig" nakita kong umakyat na si Ranee papuntang room namin kaya pumila na ako sa palamig


*DING*


[MinMin punta ka sa tambayan natin ngayon may sasabihin lang ako J]


Buhay pa pala tong lalaking to. Pero ngayon?! Ngayon talaga? Alam niya namang may klase ako diba. Pero nasa labas na naman ako susulitin ko na magcucutting na ako

Pumasok ako sa cr ng mga girls. Hindi kasi alam ng mga teachers at janitors na may maliit na butas dito na palabas ng school. Nakita namin to kaya dito na kami nadaan kapag gusto naming magcutting.


[Ranee sorry ha pero pakidala nalang ng bag ko may kailangan lang akong puntahan. Labyuuu]


Tinext ko muna si Ranee baka mamaya iwan pa yung bag ko don. Dumiretso na ako sa tambayan namin. Maliit lang siya na karinderya ang sarap ng luto nila tsaka mga kakanin nila kaya dito kami palagi natambay.

Pagdating ko don nakita kong nakaupo si MakMak sa pwesto namin.

"o buti nalang naisipan mong magpakita no" hindi siya sumagot pero tumayo siya at niyakap ako

Behind the ScenesWhere stories live. Discover now