Scene 10

3 0 0
                                    


Ilang araw na ang nakalipas simula nung narinig ko yung sinabi ni Aiden nung lasing siya. Hindi na din kami nagkikita kase hindi muna ako napasok sa mga klase ko kase nagstart ng magshoot yung movie ni kuya Raf. Excuse ako sa lahat ng subjects since related naman yung ginagawa ko sa course ko. Tuwing umuuwi ako sa dorm nakakasalubong ko siya pero hindi kami nag papansinan para bang hindi kami magkaibigan.

"tatapusin ko na tong project natin. Binigyan din kasi ako ng bagong project ni ma'am Love. Ako pinageedit ng opening ng wedding video ng anak niya syempre pumayag ako pera din yun e no" nandito si Ranee ngayon sa kwarto ko. Nasira daw kasi yung laptop niya kaya kailangan niyang gamitin yung akin.

"hhhmmm mukhang may manlilibre na naman sakin ng samgyup a" tuwing may project kasi kami na nakukuha syempre kailangan share the blessings kumakain kami sa labas. Date hahahha.

Kumuha ako ng makakain namin habang nageedit siya at nagsusulat ako ng script. Kaso biglang tumahimik tong si Ranee.

"ano to? 'Diary'? para kay Aiden?" bumalik ako sa sala para tingnan kung ano yung pinapanood ni Ranee. Nakita niya pala yung folder na 'Diary'. Actually tama siya puro video ko yun. Vinivideohan ko yung sarili ko tapos kinukwento ko yung araw ko and mostly ng kwento ko don ay puro kay Aiden. Kung pano ako umiiyak araw araw dahil sa kanya.

"oo diary yan pero hindi para kay Aiden. Well, siguro nga para sa kanya kase mostly naman ng araw ko ay umiikot dahil sa kanya" nilagay ko yung pagkain sa mesa at nakita ko na diretso pa den siya sa panood ng mga video ko.

"tama na nga yan! Alam mo soon idedelete ko na yan kaya wag mo ng panoodin yan" kinlose ko na yung folder at kinuha ko yung earphones sa kanya.

"pero ok na ba ngayon? Nakikita ko kase na hindi kayo nagpapansinan ni Aiden lately e" sinara niya yung laptop at umupo ng ayos para itanong yan.

"ok lang ako. Tama ka kailangan ko munang mag isip, nakakapagod din maging stress araw araw no"

"very good ka jan gurl! Pansin ko din na matamlay si Aiden minsan nga di siya nasama samin mag lunch at ang good news wala siyang bagong babae" walang bagong babae? Wow bago yun a hahahaaha

Una may kahalikan siyang babae, babaero siya oo pero ayaw niya na dinadala sa kwarto niya yung mga babae niya para makipaghalikan or makipag sex tapos umuwi siyang lasing na hindi naman niya ginagawa dati tapos ngayon hindi siya nakain ng lunch e para sa kanya yung ang pinakamahalang meal of the day. OK HINDI AKO NAGAALALA. Nacucurious lang ako kung may problema ba siya?


*RINGG**RINGG*


"Kuya Raf napatawag ka"

"Jaz may problema tayo. I need you now"

"ok I'm on my way"


Ano kayang nangyayare ngayon sa shoot? Buti nalang tapos ko na yung last scene script. Pero kailangan kong magmadali papunta don dahil mukhang natataranta na yung boses ni Kuya Raf.

"Ranee isara mo nalang yung pinto may emergency lang sa shooting" hindi ko na siyang hinintay sumagot at kinuha ko na yung gamit ko at lumabas na. pababa na ako ng biglang...

"Jaz..." ilang araw kong hindi narinig yung boses na to.

"hi..." wala akong time makipagusap sa kanya kaya yan lang nasabi ko.

"hatid na kita mukhang nagmamadali ka e" napatigil ako sa sinabi niya. Gusto kong tumanggi pero sobrang nagmamadali na ako. Sira yung sasakyan ko kaya kung mag cocommute ako aabutin ako ng siyam-siyam.

Behind the ScenesWhere stories live. Discover now