Kabanata 5

16.5K 460 157
                                    

Kabanata 5, Babalik

"Caspian!" Tili ko mula sa alon ng mga tao. Mula sa entablado. Halos malula ako noong makita ang walang pang-itaas na si Caspian. Ang tanging tela lamang na nakapulupot sa kanya sa itaas ay iyong puting telang nakabalot sa kanyang kamao hanggang sa kanyang siko.

Hindi ito ngumingisi. Seryosong seryoso. Halos kilabutan ako. Parang nakakanginig ang lamig ng kanyang emosyon.

"Sa aking kaliwa! Ang bagong lakas! Ferdinand Borromeo!" Halos malaglag ang aking panga noong makita na iyon ang lalaking nagbitbit sa akin dito! Siya? Ang kalaban ni Caspian?

"Sino sa tingin ninyo ang mananalo? Kaninong manok kayo? Sa dati? O sa ngayon?"

Muling naghiyawan ang mga tao. Maging ako. Pilit kong tinatawag si Caspian kahit malayo. Kahit alam kong hindi niya ako makikita.

Kailangan ko siyang pigilan! Alam ko. Alam kong maliban sa galos ay marami pang pwedeng mangyari sa kanya! Sa higpit ng kapit ng lalaking iyon sa akin? Alam kong malakas siya! Paano si Caspian?

"Caspian! Huwag ka na lumaban!" Muli kong naramdaman ang paghatak sa akin ng isang lalaki sanhi para muling malipat ang aking atensyon sa kanila.

"Kilala mo si Arciaga?" Tanong ng isa. Gaya noong Ferdinand, marami rin itong piercings. "Hindi ka lang dinala ni bossing para sa wala?"

Hindi ko siya pinansin at muling tumili. "Caspian!" Tawag ko pa.

"Ingay!" Ani isa pa. Nagtawanan sila ngunit muli akong bumaling sa harap. Puro ulo ng tao ang nakikita ko ngayon! Hindi ko na sila makita!

"Uulitin ko lamang po ang mga batas bago magsimula ang laban!" Ani lalaki sa stage. "Bawal magpalit ng pusta, bawal hawakan ang mga lalaban, bawal tumulong, bawal lumapit sa pwesto nila! Basta bawal! Pag lumabag kayo? Papabugbog ko kayo sa mga alaga ko hah!"

Rinig ko ang ilang tawanan dahil sa kanyang sinabi. But I can't find the humor on that! Anong nakakatawa roon?

Kailangan nilang tumigil! "At ngayon! Magsisimula na ta—" muling nabalot ng sigawan ang paligid.

Parang gusto kong takpan ang aking tenga sa lakas! "Caspian!" Pakikisigaw ko pa.

Alam kong nagsimula na iyon ngunit wala pa rin talaga akong makita! Shït!

Suminghap ako bago muling nagpumiglas. "Please! Gusto kong manood! Please!" Wika ko.

Hindi niya ako binitawan. Kailangan kong tawagin si Caspian! Siya naman talaga ang ipinunta ko rito!

Huminga ako nang malalim bago inipon ang aking lakas sa aking paa. Alam kong hindi ko sila mapipilit na mapaalis ako, kaya kailangan kong lumaban.

Agad kong itinaas ang aking binti para tadyakan siya sa kanyang gitna habang nakaupo.

Napahiyaw siya sa sakit bago napasapo roon. Mabilis niya akong nabitawan.

Dali-dali naman akong tumakbo papunta sa mga tao. Halos gapangin ko na iyon para lang makasingit para hindi maabutan. Mula sa gilid ng aking mata'y nakita kong napatayo na rin ang iba niyang kasamahan. Caspian!

Ilang sandali pa'y nakita ko na ang kanilang mga paa. Hindi ito klaro dahil may mga harang pa rin. Ngunit may nakita na akong paika-ika. Hindi ko alam kung kanino iyon. Nakakahilo na ang ingay, ang init, at pagod!

"Boom!" Sa isang iglap, nakita kong bumagsak ang katawan ni Ferdinand sa lupa. Agad na dumamba si Caspian at pinaulanan siya nang sunod-sunod na suntok!

Halos mahimatay ako sa takot! Para akong nasusuka habang tinitignan ang pagtalsik ng dugo mula sa ilong niya! "Caspian! Stop it!" Tili ko.

Ngunit para siyang bingi. Tuloy-tuloy lamang siya sa kanyang ginagawa. Nakita ko ang pag ngiwi ni Ferdinand sa sakit habang patuloy na sinasalo ang mga suntok ni Caspian!

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now