Kabanata 12

15K 319 17
                                    

Kabanata 12, Tama

Hindi ko alam kung ilang beses kong pinaki-usapan si Caspian. "I promise! Hinding hindi ako lalapit... hindi kita kakausapin! Just go with us."

Sa huli'y pumayag din siya. Hindi lang kami tumuloy roon dahil tulog na nga ang dalawa at kinandado ko ang pinto.

Kaya sa huli'y sa bahay niya kami natulog. Bukas ang pinto kaya madalas siya ang gising at ako ang nagpapahinga.

"Ivana!" Napamulagat ako ng marinig ko ang boses ni Kyla.

"Tumakas ka? Anong oras ng gabi? Paano kung may nakakita sa'yo tapos ginahasa ka? Wala kaming kaalam-alam!" Pinukpok ni Kyla ang ulo ko ng makalapit.

"Nag-alala lang ako kay Caspian... k-kung pwede ba'y doon muna siya? Aayusin lang siguro ang pinto at ibang gamit, tapos pwede na ulit siyang bumalik." Saad ko at hindi siya nilingon.

Pinasadahan ako ng tingin ni Kyla at bumuntong hininga. "Walang problema! Dapat nga'y iimbitahan ko siya kahapon kaso natakot ako, alam ko namang hindi pabigat si Caspian... pero sa susunod magpaalam ka kung aalis ka!"

Kinurot niya ang aking tagiliran at agad akong napapiksi. "Oh? Tara na... Caspian sumunod ka!"

Hindi ko ito nilingon ngunit sa gilid ng aking mata'y alam kong nakatingin siya. Naramdaman ko ang pamimilipit ng aking kalamnan sanhi para mapasapo ako roon.

Calm down.

"Mag-ready ka hah? May entrance exam ka pa naman ngayon! Tapos hindi ka nagpahinga!" Pagalit ni Kyla at iginiya ako papunta sa kanila.

Nang makarating ay agad kong namataan si Chester na nasa sofa natutulog. "Gumising ka na! Nandito na si Ivana!"

Nagmulat ito at agad na bumangon. "Bakit umalis ka kagabi?" Aniya.

Ngumuso lamang ako. Nawala ang paningin niya sa akin dahil napabaling siya sa aking likuran.

Si Caspian.

Hindi na ako nagsalita pa at dumiretso sa kusina para matulungan si Kyla.

"Maligo ka na roon para saktong paglabas mo kakain na. Anong oras na o! Alas otso na! Mamayang alas dose iyong exam mo!" Parang nanay na sambit nito.

Natutop ko ang aking labi at mabilis na sumunod. Kumuha muna ako ng mga damit para hindi na ako lumabas ng naka-tuwalya lang.

Bumuntong hininga ako. Isinusumpa kong hindi ko kakausapin si Caspian kahit anong mangyari. Kung natatakot siyang baka maulit ang ginawa ko'y papatunayan kong hindi na!

Buti na lang ay sumama siya rito. At least ay sigurado ako kung nasaan siya.

Buong pagligo ko'y puro isip ang aking ginawa. Nang matapos ay tinuyo ko ang sarili at nagbihis.

Hindi naman ako nahirapan, at kalaunan ay lumabas na.

Mula sa pasilyo ay nakita kong lumabas din ng kwarto si Caspian. May dala siyang towel. Dumiretso ito sa daanan papunta sa kusina.

Huminga ako nang malalim at sumunod. Doon din ang punta ko.

"Salamat Kyla... siguro dalawa o tatlong araw ako rito." Rinig kong sabi nito. Naghahanda naman ng pagkain sa hapag ang babae.

"Ano ka ba? Ang laki-laki ng naitulong mo sa amin! Kahit isang Linggo pa..." ngiti nito. "Oh tara na!"

Tulong?

Lumapit ako sa kanilang pwesto at agad na umangat ang tingin nila sa akin. Kay Kyla ako bumaling at naglagay ng kanin sa plato.

"Sasamahan ka raw ni Chester mamaya?" Tanong nito.

Pleasure Of Destruction | R-18Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang