Kabanata 41

9.7K 214 10
                                    

Kabanata 41, Mad

Caspian never failed to make promises. Una pa lang. Marami siyang binibitawang salita. Pero sa lahat ng sinabi niya, ito na siguro ang walang kasiguraduhan.

Ito ang sitwasyong hindi ko alam kung magkakatotoo pa ba o hindi na. May parte sa aking naniniwala ngunit may kung ano rin sa aking hinihiling na sana huwag na lang niyang tuparin.

Kung sa paraang ito ay masasaktan siya o mahihirapan... huwag na lang. Huwag na lang niya akong balikan.

Maiintindihan ko iyon. Gusto kong sabihin. Gusto kong malaman niya iyon. Hindi niya na kailangan pang magsakripisyo.

Tanggap ko na ang aking kahihinatnan. Wala kaming lakas. Wala kaming alas.

Mas lalo kong napagtanto, minsan wala iyan sa bait. Wala iyan sa kung gaano ka man kasama. Wala iyan sa kung gaano ka ka-malas o ka-swerte. Kung gusto mo at may kakayahan kang gawin iyon, magagawa mo. Walang karma. Kung ano man ang mangyayari'y ikaw ang may kagagawan noon.

Kung may pera ka't gusto mo iyong waldasin, kung maubos ay ikaw ang responsable. Kung masama ka't gusto mo silang galitin, kapag pinag-initan ka'y ikaw ang responsable. Kung may sakit ka't kinulong mo ang sarili mo sa inhibisyon, hindi mo makita ang ibang bagay na meron ka, ikaw ang responsable.

Ikaw ang responsable sa susunod na mangyayari.

Walang salitang tadhana.

"Caspian..." mahinang sambit ko habang dinadampian ng bulak ang kanyang pisngi kinabukasan ng umaga.

Dahan-dahang umangat ang kanyang mata sa akin.

Napalunok ako at agad na inabot ang kanyang panga.

Sinabi ni Stefan kung ano ang gagawin niya ngayon. Kahit anong sabi kong hayaan na si Caspian dahil wala siyang pera, hindi siya nakikinig. Sarado ang kanyang isip.

The least I can do is to persuade Caspian himself.

Palalabasin siya ngayon upang mabigyan ng tsansang makahanap ng pera. Konting oras na lamang ang natitira sa amin.

May dalawang lalaking nasa baba. Ang isa'y nasa sulok habang ang isa'y nasa hagdan. Ipapasama sila kay Caspian mamaya dahil iniisip nilang tatakas ito. Hinayaan ako ni Stefan na gamutin ang sugat ni Caspian dahil siguro'y naisip niyang hindi siya pwedeng humarap sa ibang tao ng ganito ang hitsura.

"Listen to me." Wika ko at pinunasan ang dugo sa kanyang mukha.

Bakas pa rin ang mga sugat doon. Mga dugong natuyo, at ilang dugong bago pa lamang.

"Yes..." mahina niyang sagot.

"Stefan told me his plans." Saad ko. "Palalabasin ka rito mamaya."

Hindi nagbago ang kanyang pagod na reaksyon. Halos maramdaman ko ang pagkalabit ng kung anong inis sa aking sistema nang mapagtantong hindi siya ginamot kahapon!

"Are you listening?" Tanong ko ng biglang bumagsak ang kanyang tingin sa aking labi.

"Yes." Bulong niya.

Muli kong dinampian ng bulak ang kanyang pisngi.

"Okay, so if you can get the chance to escape..." pagtutuloy ko sa aking sinasabi. "Escape."

Itinagilid niya ang kanyang ulo sa akin. Tila ba'y naguluhan sa aking sinabi. "I won't."

Tumiim ang aking bagang. Ayaw kong makipagtalo ngunit alam kong mahihirapan din akong kausapin siya!

"Please Caspian, listen to me."

Suminghap siya at pinagmasdan ang aking mukha. Mukha siyang natauhan hindi gaya kaninang para siyang wala sa sarili!

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now