Kabanata 48

9.4K 206 26
                                    

Kabanata 48, Ivana

"Fierce." Marahan kong binaba ang gilid ng aking labi mula sa pagkakangiti upang gampanan ang sinabing emosyon ng photographer. "Gorgeous..."

Hinawi ko ang aking buhok at bahagyang tumingin sa kanan. Hinawakan ko ang string ng aking suot na black laced bikini upang mas madepina ang tela.

Inayos ko ang pagkakaupo ko sa upuan at mas pinag-igihan ang seryosong mga mata sa camera. Nilagay ko ang aking kamay sa harap at pagitan ng aking dalawang hita habang ang isa'y pinanatili ko sa aking buhok.

Sabay-sabay ang pag-ilaw ng flash ng camera habang gumagawa ako ng iba't ibang klase ng pose. Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng ilang palakpak. Muli akong nasilaw sa mga flash ngunit agad ding nagpatuloy.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at muling tinuon ang mata sa camera. Nilagay ko ang aking buhok sa isa kong balikat. Ang magkabila kong kamay ay pinirmi ko sa aking gilid bago ko pinagkrus ang dalawa kong hita.

"Beautiful!" Puri nilang muli.

Nakarinig ako ng mga mahihinang kumento mula sa loob. Hindi ko sila

"That's a wrap." Ani sir Kyle at nag-thumbs up sa akin.

Nginitian ko lamang siya. May nag-abot sa akin ng robang puti at agad ko naman iyong sinuot. Dinampot ko ang aking cellphone at binasa ang message ni Carlos doon.

Nasa baba na raw siya. Napatingin ako sa paligid. Mga busy ito. Agad na rin akong pumunta sa dressing room upang makapagbihis.

Sinuot ko ang puti kong slim fit crop top at bow tie cargo pants. Nang matapos ay agad din akong lumabas.

Tinali ko ang aking buhok at nginitian ang mga nakasalubong.

"That was gorgeous, Ivana." Puri sa akin ng kaninang babaeng nag-assist sa akin.

Nginitian ko siya at nagpasalamat. Nang mapansing wala nang kausap ang direktor ay agad din akong lumapit.

Kinausap ko siya kung may susunod ba na photoshoot at sinabi niyang sasabihan niya lang daw ako kaagad. Pinaulanan niya rin ako ng puri bago ako hinayaang umalis.

Tumaba naman ang aking puso dahil doon. Habang naglalakad ay nakaukit ang ngiti sa aking labi. Nang makalabas ako sa studio ay agad ko ring namataan si Carlos. Nakasuot ito ng aviators at nakasandal sa kanyang sasakyan.

Nang mamataan ay agad niya akong nginitian.

"Sweet." Aniya nang makalapit ako. "Good mood?"

Pabiro akong umiling. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago umikot sa driver's seat.

"Kinausap ako ni Kyle." Bungad niya ng makapwesto sa aking tabi.

Kinabit ko ang seatbelts bago siya binalingan. "Yes?" Tanong ko.

Tumulala siya sa akin sandali bago napailing. "Uh... sabi niya pupunta raw kayo sa Isola di Paradiso?"

Agad akong napasinghap. Pinaling ko ang aking ulo. Hindi ko alam ang tinutukoy niya. "Walang nasabi sa amin."

Ngumuso ito. "Baka surprise?"

Napailing ako. Ito ba ang sinasabi niyang may ibang pupuntahan?

"So," segunda niya. "I'm going with you."

Saglit akong natigilan. Bahagyang nagulat sa kanyang sinabi. "Huh?"

Binuhay niya ang makina ng sasakyan at tumulak na kami paalis. Nagkibit balikat ito.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now