Bati na tayo?

1.4K 36 12
                                    

John Stephen's POV

Kung ganon, kaya pala. Hay nako buhay nga naman.
Nagpatuloy nalang kaming lima sa pagkain nang mapagpasyahan ni Kuya na mauuna na raw siya dahil may klase pa sila.

Ranz Kyle's POV

Nandito ako ngayon sa field ng skwelahan namin dahil kakatapos ko lang pagtripan yung babae kanina sa may entrance ng canteen. Tatanga tanga kasi yung babae eh. Dikit ng dikit sakin akala mo namann kagandahan.

Paglabas ko sa hospital ganto na ako eh. Ewan ko pero parang mas lumala ata yung pagiging gago ko?

Nasa malalim akong pag iisip nang may lumapit sa akin. "Ranz anak. Patawarin mo ako. Hindi ko naman alam na ganto ang mang yayari sa iyo eh..." sabi ng isang lalaki o mas tamang sabihin ko na si Daddy ang lumapit sa akin habang umiiyak.

Tinignan ko lang siya. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nainis at nag init ang dugo ko sa kanya at sinigawan ko siya.

"Hindi kita kailangan dito umalis ka na!" tila ba nabigla siya sa pag sigaw ko sa kanya. Bigla na lamang din umagos ang mga luha ko sa aking mga mata. Nanginginig man ako ay nagawa ko paring tumayo ng maayos. Tinignan ko lang siya sa mga mata niya ng deretso ngunit puno ng galit.

"Sana mapatawad mo ako anak. Pasensya ka na talaga. Kung ayaw mo akong makita sige, aalis na muna ako. Babalik muna ako sa condo naten at doon na muna ako mag lalagi. Sana mapatawad mo ako anak." pagkatapos niyang sabihin ang bagay na iyon ay umiiyak itong umalis sa paningin ko. Mabigat na paghinga ang ginawa ko habang napaupo nalang rin ako sa upuan at humagulgol ng iyak.

Bakit kailangang danasin ko itong mga ito?! Baket?! Pagkausap ko sa sarili ko.

Napagdesisyunan ko na ring Umalis sa lugar na iyon pagkatapos kong umiyak.

May tumatawag na naman sa akin. Tinignan ko ang numero at si Mommy pala ang tumatawag. "Yes, Mom?" Pagsagot ko sa tawag niya.

"Pumunta ka sa office ko mamaya. May sasabihin ako sa iyo." Yun lang ang sinabi niya at siya na rin any pumatay sa tawag. Ramdam ko ang galit sa tono ni Mommy.

Nakarating na siguro sa kanya yung ginawa ko kanina dun sa babae sa labas ng canteen.

Lumipas pa ang ilang oras nang mapag desisyunan ko nang pumunta sa office ni Mommy.

"Bakit po, Mom?" Ngunit imbis na sagutin ako ay isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. "Ano yung nakarating sa akin na ipinahiya mo raw yung isang estudyanteng babae kanina?! Nag iisip ka pa ba?! Puro nalang ba rebelde ang nasa utak mo?!" Galit na galit ito.

Hindi ko alam pero napaluha na pala ako ng hindi ko namamalayan. Napangiti nalang ako ng mapait at tumingin sa kanya. Nanggigigil siya. Pero hindi rin nagtagal ay tila ba natauhan ito sa kanyang ginawa at tinangkang lumapit sa akin pero lumayo ako.

"A-anak pa-patawarin mo si M-mommy. Hi-hindi ko sinasadya anak." Umiiyak na sabi ni Mommy pero hindi ko siya pinakinggan.

Lumabas nalang ako ng office niya at saktong paglabas ko ng office niya ay nakasalubong ko si Francis.

Mas lalo akong naiyak dahil nilagpasan niya lamang ako at nang maalala ko na galit din pala ito sa akin. Sino nalang ang kakampi ko? Sino nalang makakaintindi sa akin? Wala na. Kasi galit na galit parin sa akin si Francis dahil sa nagawa ko noon sa pinsan niya. Dahil sa kagaguhan ko nawawalan ako ng mga taong nakapalibot sa akin.

Unti unti narin naman na bumabalik mga ala-ala ko.
Actually, defense mechanism ko lang naman yung pagiging bully ko eh. Oo maayos akong napalaki ng magulang ko pero mahina kasi ako. Kaya dina divert ko sa ibang bagay o tao minsan ang galit ko.

Alam kong hindi tama ang ginagawa ko pero ano magagawa ko?

Francis' POV

Nakita kong pumasok si Ranz sa office ng Mommy niya kaya nagtago muna ako sa gilid para hindi niya ako makita. Nang makapasok na siya ay lumapit ako sa pinto.

Nakita ko rin kung paano niya pagtripan yung babae kanina sa may harap ng canteen. Marahil eto ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa office.

Isang malutong na sampal ang narinig ko mula sa loob. "Ano yung nakarating sa akin na ipinahiya mo raw yung isang estudyanteng babae kanina?! Nag iisip ka pa ba?!" Sinampal? Babae? Kung ganon, tama nga ang hinala ko. Hindi naman sumagot si Ranz. Maya maya pa ay biglang ang sorry ang Mommy niya.

"A-anak pa-patawarin mo si M-mommy. Hi-hindi ko sinasadya anak." Umiiyak na sabi ni Tita. Palapit nang palapit sa pinto ang mga yapak na nag mumula sa loob kaya minabuti kong umalis na sa pinto at kunwaring madadaan palang sa office.

Lumabas si Ranz habang umiiyak. Nahabag naman ako sa itsura neto dahil hindi siya sanay ng umiiyak. Defense mechanism niya lang yung pagiging bully niya para hindi siya masabihan na mahina. Alam ko ang lahat ng yon dahil nga sa bestfriend ko ito.

Gustong gusto ko na yakapin ang kaibigan ko pero hindi ko ginawa. Siya ang unang dapat lumapit sa aming dalawa. Hindi parin siya nakakapag sorry sa pinsan kong si Stephen dahil sa ginawa niya dito nung nakaraan.

Nakita kong nagpunta siya sa field kaya sinundan ko ito doon. Umupo siya sa ilalim ng puno ng acacia. Mukhang malalim ang iniisip neto. Umiiyak parin siya kaya naman lumapit na ako sa kanya.

Hindi ko rin kasi kayang makita na umiiyak ang kaibigan ko. Nagulat pa ito ng bigla akong tumabi sa kanya at niyakap siya. Pagkayakap na pagkayakap ko sa kanya ay humagulgol na nga ito ng iyak. Naawa naman ako dito dahil ako lang ang nag iisang kaibigan niya rito tapos hindi ko pa siya pinansin ng halos isang buwan.

"Iiyak mo lang, kupal. Nandito lang ako." Pag alo ko sa kanya. Kikibot kibot ang mga balikat niya dahil sa labis na pag iyak. "Sorry." Walang alinglangan niyang sinabi. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Sorry kasi dinamay ko pa yung pinsan mo. Hindi ko naman alam na pinsan mo pala yun eh."

Ahhh kaya naman pala nagso sorry si kupal. "Actually, hinahanap kita nung mga oras na yon kasi gusto kitang ipakilala sa kanya. Kaso naunahan mo ako, nagkita na nga kayo, sa hindi naman magandang paraan." Napayuko naman ito. Inakbayan ko nalang ito at sinabing, "Okay lang yon. Napatawad ka na rin naman nun. Hindi marunong mag tanim ng galit yon sa kapwa."

Bumuntong hininga na lamang ito at nag taas ng ulo. "Pero gusto ko parin mag sorry sa kanya, 'tol. Tulungan mo naman ako ohhh." Paghingi nito ng pabor sa akin. "Sige sige kung yan ang gusto mo."

"So bati na tayo?" Tanong neto sa akin. "Bakit? Nag away ba tayo para mag bati?" Masayang sagot ko rin dito ng patanong. "Kung iniisip mong galit ako, hindi yun totoo. Nagtampo lang ako sa iyo HAHAHA. Alam mo naman na ganon ugali ko diba?" Hindi ito sumagot bagkus ay bumulong ito na para bang isinuspumpa ako.

"Nagtampo daw pero isang buwan? Ano kaya 'yon."

"Anong sabi mo?" Asik ko dito

"Wala wala hehe."

Guys leave a comment! And kindly hit the vote button! Bayad niyo na po saken yan ohh para mas ganahan ako gumawa ng chapters. Thank you po! Pag walang masiyadong comment tatagalan ko mag update. Bahala kayo🥺.

Waiitt!!! Putol muna dito hehehehhehehehehehehhehe.

Wag mag-alala mga ka readers ko! Mag uupdate ulit ako tom! Hehehehehehehe....

전수티븐 입니다

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now