Club Recruitment Day 1 part 2

279 19 8
                                    

John Stephen's POV

Nagpunta na kami sa quadrangle upang mag hanap ng mga tables about sa desired clubs namin. NAGKALAT ang mga tables na may labels ng bawat clubs. May mga booth din na nakaprepare kaya parang foundation day ang ganap dito sa school ngayon.

"Guys, since magkakaiba tayo ng mga clubs na kinuha, what if maghiwa hiwalay na muna tayo para mabilis tayong makapag fill up?" Suhestyon ko. Since pareho naman kami nila Joana at Julian na sa dance club kami, sabay na kami.

Si Carl lang pala ang naiiba sa amin. Natigilan ako saglit at napasulyap kay Carl. "Ohh sorry, Carl. Ikaw lang pala mag isa sa sports. Antayin mo nalang kami ahhh? Saglit lang naman to tapos sa third day ay may screening kami."

"Okay lang! No rush naman. Kaya sige na pumila na kayo habang maikli pa ang pila oh." Sabay turo sa mga nakapila sa dance club. "Sige. Upo ka nalang muna diyan ahhh?" Sabi ko at pumila na nga kaming tatlo.

Sa pila.....

Nag uusap kaming tatlo about sa kung anong kanta ang gagamitin namin sa screening nang may marinig akong dalawang tao (parehas lalaki) na para bang nag tatalo. Hindi naman sa pagiging tsismoso pero pinakinggan ko lany sila.

"Pano kung hindi ako makasali?" Boy #1.
"Tiwala ka lang." Boy #2.
"Natatakot ako." Boy #1.
"Kasama mo ako, okay?" Boy #2.
"Hindi ako marunong sumayaw." Boy #1.

At dahil naririndi narin ako sa walang katapusan nilang pag aaway, sumabat na ako.

"Alam mo, hindi mo kailangan maging marunong ka agad sumayaw. Kaya nga tayo sasali dito kasi gusto naten matuto sumayaw diba? Ano ba ang motto nung dance club? Hindi ba Let the Dance Club bring the best out of you? Kaya wag kang matakot! Cheer up lang! Tulad nga ng sinabi niyang kaibigan mo, kasama mo siya. Don't be afraid to take some risks, okay?" Gulat naman silang napatingin sa akin.

May mali ba sa sinabi ko? Wala naman diba? Ako nga hindi dancer pero dahil kasama ko mga kaibigan ko, malakas loob ko. Bakit ako panghihinaan ng loob kung alam ko namang suporta sila sa akin, diba?

"Kung gusto niyo, sumama nalang kayo sa amin?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Si Joana at Julian naman ay nakikinig na pala sa amin at lumapit na sila. Tinapik ako ni Julian sa aking braso at nagsalita. "Tama yung sinabi ni Stephen. Wag kayong matakot kung alam niyong may kasama kayo. Be strong! Wag panghihinaan nang loob. Dahil maaapektuhan nito ang inyong performance, okay? Hindi rin ako marunong sumayaw. Pero dahil gusto ko matuto, go lang. Alam kong pwede ako mapahiya lag nagkamali ako, pero lahat naman yun pagdadaanan naten eh. Pero dahil gusto ko matuto, kahit mapahiya pa ako, okay lang! Hindi ko naman ikamamatay yun!" At nagtawanan kami.

The same thought we have. Magkaibigan nga talaga kami. Nangiti naman yung dalawang lalaki na nagtatalo kanina at mukhang naliwanagan naman sila.

"So, do you want to join us?" Nakangiting si Joana. "Sige ba! Para naman may new friends narin kami. Kaming dalawa lang kasi ang mag kaibigan dito eh." Si Boy #2.

"Ano ba ang mga pangalan ninyo? Ako nga pala si Stephen." Pagpapakilala ko sa aking sarili. Inakbayan ko si Joana. "Eto naman si Joana, bespren ko mula pagka bata. At si Julian, new bestfriend ko." At nag fist bump kami. Mamaya ko nalang ipapakilala si Carl since naiwan siya dun kanina.

"Ako nga pala si Latrell," Si boy #2. "At siya naman si Paul." Turo niya sa kasama niya na si boy #1.

"Nice to meet you!" Magiliw kong sabi at nag shake hands kaming lima.

Umusad naman ng umusad ang pila hanggang sa natapos na kami sa aming club. Sa Day 3 ay magkakaroon kami ng screening kaya mamaya ay pag uusapan namin kung anong kanta ang gagamitin namin.

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now