Club Recruitment Day 1 part 3

257 18 11
                                    

John Stephen's POV

NAGPUNTA kaming anim sa field upang pag usapan ang mga bagay bagay. Nakapalibot kaming lahat sa field, katabi ko si Joana sa kanan, si Julian sa kaliwa, si Carl ang katabi neto at yung dalawang bagong salta.

Napag alaman din namin na katabint section lang pala namin sila kaya naman madali namin silang nakapalagayan nang loob.

"Matagal na ba kayong magkakaibigan?" Si Paul yung nag tanong sa amin. Nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay na natawa dahil parang walang gustong magsalita. Kaya naman para hindi mapahiya itong si Paul ay ako na ang sumagot dito.

"Kaming dalawa ni Joana, oo. Childhood bestfriend kami niyan. Lagi kaming magkasama noon kahit saan kami mag punta. Napagkamalan na nga kaming mag jowa niyan noon. Diba?"

"Oo. Alam niyo ba na napaka cute nitong si Stephen nung bata pa 'yan? Naging crush ko nga 'yan noon kaso nireject lang ang beauty ko." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nitong babae na ito!

Pinaghahampas ko ito ng mahihina dahil pag nilakasan ko ay ako lang din ang malulugi. Lakas ba naman manampal niyan eh.

"Sinungaling ka! Anong nireject?! Kapal mo ah!" Singhal ko dito. Nagtawanan naman ang mga kasamahan namin. "Close na close nga kayo. Buti pa kayo, madami kayong magkakaibigan. Kami kasi, dalawa lang kami. Walang may gusto makipag kaibigan sa amin ni Latrell eh." Malungkot na tinig ni Paul.

Naawa naman ako sa sinabi neto. Naranasan ko na rin kasi yung sinabi niya na walang gusto makipag kaibigan sa kanila. Noon walang gustong makipag kaibigan sa akin bukod kay Kuya Niel at kay Kuya Francis. Lahat ng batang makakalaro ko noon ay iniiwasan ako, iniiwan, pinagtatawanan. Then biglang dumating sa lugar namin sila Joana. Then by that time, naging magkaibigan kaming dalawa hanggang ngayon.

"Simula ngayon, bestfriends na tayong lahat, okay ba yun?!" Masayang sabi ko para mawala ang sad vibes. Nakita ko namang ngumiti silang lahat kaya napangiti rin ako. Ang saya kaya sa pakiramdam na may napapasaya kang tao.

Inilapat ko ang aking kanang kamay sa gitna naming lahat at sumigaw ng, "one for all?!," at hindi naman ako nabigo dahil ginaya naman nila ako at sabay sabay kaming sumigaw ng, "all for one!"

"Salamat Stephen ahh? Thank you kasi tinanggap niyo kami sa tropa niyo." Emotional na sabi ulit ni Paul. Si Latrell naman ay inaalo ito dahil parang maiiyak na si Paul.

"Ano ka ba! Okay lang yun! Mas madami, mas masaya! Pero kuntento na ako sa dami naten. Ayoko rin naman kasi pag sobrang dami sa tropa. Malay mo pina plastic ka nalang pala. HAHAHAHAHA!"

Natawa naman sila sa akin. May naisip ko bigla. Kinuha ko ang cp ko at muli silang tinignan. Masaya silang nag uusap usap. Mukhang nagkapalagayan na nga sila ng loob. Masaya ko para sa kanilang dalawa. Hindi nila alam na palihim ko silang kinuhanan ng litrato.

Sila Paul, Latrell, at Julian ay nag uusap usap about dancing. Si Carl at Joana naman ay nag uusap about sa sports, volleyball to be exact. Marami rami rin akong nakuhanan na litrato at isa isa itong tinignan. Gumuhit sa aking mga labi ang isang matamis na ngiti.

Pagkatapos kong tignan ang mga nakuhanan ko ay sumali na ako sa kanilang mga pinag uusapan.

"So guys, about dun sa dance, anong gusto niyong genre? Hip-hop or modern?" Tanong ko nang maalala ko na dapat nga pala naming mapag usapan na ito para kahit mamaya ay makapag practice na kami kahit kaunti lamang.

"Uhhmm, para saken hip-hop ako. You know, parehas tayong kpop fan remember?" Si Joana. "Same ako sa hip-hop. Mas forte ko kasi yun eh." Si Julian na kakamot kamot sa kanyang batok.

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now