Sumakay ka na. Sorry

769 27 10
                                    

Stephen's POV

Math. I hate this subject! Alam niyo ba ang ibig sabihin ng MATH? Mental Abuse to Humans. Tangina naman kasi. Nakakahilo ang Math.

"So give me the 4th power of 3x. Anyone?" Tanong ng teacher namin. Walang nagtataas ng kamay. Lahat malalata. Aga aga ba naman kasi math agad tapos pagkatapos neto History na. Ughh!!

"Sige. Since walang nag tataas ng kamay, magra random pick ako." Kinuha niya ang mga index card sa bulsa ng bag niya. Dumagundong ang kaba sa aming lahat dahil sa sinabi ng guro. Bigla ay para kaming tinakasan ng kaluluwa. Nanlalamig narin ang mga kamay ko.

"Shet naman."
"Tangina."
"Bat naman ganyan si Ser."
"Handa na ba kayo mamatay."

Iilan lang yan sa mga bulungan sa room namin. Tinignan ko si Joana at natawa ako sa itsura neto.

"HAHHAHAHAHAHAHAHAH!"

"Mr. Stephen!" Natigil ako sa pagtawa ng sumigaw ang teacher namin. "Since tumatawa ka. I guess alam mo ang sagot dito? Sige halika dito sa harap at sagutan mo 'to!" Ayan naaa. Sunod sunod na pumatak ang mga pawis ko pababa sa leeg ko.

Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko at nanghihingi ng tulong. Jusq ko po, ano ba itong pinasok ko? Maglalakad palang ako papunta sa harap ng biglang may isang teacher na kumatok.

"Sir, may urgent meeting daw tayo. Asap." Nakahinga ako ng napakaluwag! Sobra! As in! "Okay class that is for today. Thank you." At umalis na si Sir.

"Wooaahhh!!!!"
"Nice! Yes!"
Sigawan ng mga kaklase ko. Nanghihina akong bumalik sa upuan ko at nilapitan naman ako nung tatlo. Sa katabi ko parehas si Joana at Julian. Si Clark naman ay nasa harap ko.

"Grabe talaga yan si Sir Carlo. Hirap mag pa activity ahh. Kaloka. Stress ang beauty ko. Teka mag ccr lang ako at ihint ihi na ako." Paalam ni Joana na itinuro pa ang labas ng room.

"Club recruitment na nga pala next week ano? Ano anong club sasalihan niyo?" Tanong sa amin ni Julian na hindi namin namalayan na pumunta pala sa mga lockers. Napaisip naman ako kung anong club ang sasalihan ko. Nakakapagod din kayang sumali sa academic clubs. Nakakaurat.

"Ako siguro sa volleyball ako. Yun lang naman any forte ko sa ball games. Kalalaki kong tao di ako marunong mag basketball. HAHAHAHHAHA!"
Si Carl. Nakaupo siya habang nag aayos ng kanyang maruming bag. Burara kasi 'to. Tinawanan nalang din namin ito. Hindi naman required na pag lalaki ka kailangan marunong ka rin sa basketball.

"Ikaw naman, Stephen? Anong sasalihan mo?" Si Julian ulit. Nakangiti itong bumalik sa kanyang upuan. "Siguro mag da dance club ako. Hindi naman kailangan magaling ka don agad. Tuturuan ka naman nila. Kaya mag da dance club nalang ako." Sagot ko sa tanong ni Julian. "Ohh same same mag da dance club ako!" Nakangiting si Julian.

Maya maya pa ay nakabalik narin si Joana galing cr. "Ikaw bruha ka, anong club sasalihan mo?" Tanong ko rito. "As usual, my favorite, dance club." Nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinagot niya. "AAAHHHHH! Magka club tayoo!!" At ayun na nga, nagtatalon kaming dalawa.

"Hoy tumahimik na nga kayong dalawa!" Pag sita sa amin ni Julian. "Nakakahiya kayo HAHAHAHA!" Saka lang namin napagtanto na para kaming ewan.

Mabilis na lumipas ang araw at uwian na nga kami.
Nagpaalam na yung dalawang lalaki dahil may pupuntahan pa daw sila na tropa nila. Kaya kami nalang ni Joana ang magkasama.

"Yah, gala tayo. Maaga pa naman. Punta tayo sa SM." Bigla nalang niya akong hinatak without asking me first kung gusto kong sumama! Oo! Gustong gusto ko kaso wala pa akong pera na allowance! Hindi rin ako mag eenjoy dahil hindi ko rin mabibili ang gusto ko.

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now