Pwede ba kita maging partner?

449 17 11
                                    

John Stephen's POV

"Grade 9 makinig," panimula ng aming guro. "Magkakaroon kasi ang Grade 10 students nang isang project for the whole first quarter na kung saan ang kapartner nila ay mga Grade 9. And now, napag usapan naming mga Grade 9 at 10 teachers na yun narin ang inyong magiging proyekto upan hindi na kayo mahirapan pa. Don't worry dahil informed na sila about this. Is that good?"

Project? Grade 10? Whole quarter? Aaaahhhh!! Mababaliw na ako neto. Sino naman ang aayain ko sa Grade 10? Aaahhh si Kuya Francis!

"Yes, Miss!" Sagot naming lahat. "Sige na, the rest of the time ay intended for you to find your partners now. Go!" Inilabas ko agad ang cellphone ko upang i-chat si Kuya na kung pwede siya nalang ang partner ko.

"Kuya, may ka partner ka na po ba for the project?" Hindi naman nagtagal ay nag reply agad si kuya. "Meron na bunso ehh. Sorry bunso." Agad naman akong nanlumo sa reply niya.
"Sino ba partner mo kuya?"
"Si Joana bunso. Kaka chat niya lang sa akin." Nanlaki ang mga mata ko at agarang nilingon si Joana. Nag peace sign naman ito sa akin. "Hehe sorry bespren!"

Inismiran ko nalang ito at nireplayan ko nalang ulit si Kuya.
"Ang daya niyo! Hhmmpp!"
"HAHAHAHA! Pasensya na bunso! Icha chat na nga rin sana kita kaso bigla siyang nag chat!"
"Ewan ko sa inyo!" At binalik ko nalang sa bulsa ng aking pantalon ang cellphone.

"Sino nalang magiging partner ko?" Bulong ko sa kawalan.

*Kringgg! Kringgg! Kringgg!*

Dahil sa malalim na pag iisip kung sino ang magiging partner ko ay hindi ko namalayan na break time na pala. "Tara na bes! Kain na tayo!" Masayang si Joana dahil may partner na siya.

Hindi ko ito pinansin at nauna nalang sa canteen. "Oy Stephen!" Narinig kong sigaw pa ni Julian pero hindi ko na ito pinansin. Kailangan ko nang makakain upang makapag isip ako nang maayos.

"Ate isang fried chicken nga po at fried rice." Sabi ko kay ateng nagse serve sa canteen. "Gulay?" Tanong nito. "Yung chopsuey nalang po." Dagdag ko. Pagkakuha ko nung pagkain ay naghanap na ako nang mauupuan. Nakapasok narin yung tatlo at umorder na.

"Stephen, sorry na uyyy." Si Joana. Pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Ramdam kong nagpalipat lipat sa amin ng tingin yung dalawa. "Bakit kayo hindi nagpapansinan?" Si Carl naman ngayon ang nagsasalita na ibinaba ang kutsara at tumingin sa amin. "Ewan." Sagot ko.

"May partner ka na ba sa Grade 10, Julian? Ako kasi meron na eh. Kaya hindi na ako mahihirapan."

"Ako? Meron na rin. Kaibigan siya ng kuya ko."

"Nice! Edi wala na tayong problema!"

Hindi ba nakakaramdam ang mga ito?! Peste! Gigil na gigil ako nang hawakan ko ang inumin ko at malukot ko pa ang bottle neto.

Nasa ganon akong sitwasyon nang may lumapit sa amin. Nang tignan ko ito ay si Ranz pala.

"Anong ginagawa mo dito?! Sasaktan mo na naman ba si Stephen?! Tangina ka hindi mo na masasaktan kaibigan ko!" Si Joana yan.

Naglingunan sa amin ang mga tao sa canteen.

"Alam mo pre, nirerespeto kita pero please lang, kung sasaktan mo na naman si Stephen, ay hindi kami makapapayag." Seryosong si Clark.

Napapahiya namang yumuko si Ranz kaya naman nakaramdam ako ng awa para dito. Aalis na sana ito nang hawakan ko ang kamay nito.

Bigla ko rin nabitawan ito dahil sa kakaibang pakiramdam na naman na dumaloy sa aking kamay. "P-pasensya na. G-gusto ko lang sanang makausap ka." Sabi nito. Naawa naman ako dito kaya tumayo narin ako kahit hindi pa ako tapos kumain.

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now