VIII

1.1K 50 1
                                    

Mabilis namang ibinigay saakin ng mga nupu ang palumpon na pinagagawa ko kanina sa oras na umalis si ama. Paano ko na to mabibigay sa kaniya kung dapat ay iwasan ko muna siya? Lakas maka romeo at juliet nitong sitwasyon namin. Inialis ko sa isip ko ang nangyari't napagdesisyonan ko siyang puntahan.

Agad akong tumakbo papunta sa ikalawang palapag kung saan ang kasanayang kwarto, maingat kong itinago ang dala kong bulaklak mula sa mga nakakasalubong ko gwarda royal at mga nupu, mahirap nang mahuli. 

Nang matanaw ko ang pintuan ay agad akong pumasok, ngiting ngiti ako't labis na nasasabik na makita siya. Ngunit para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang may naubutan akong naghahalikan. 

Uminit ang ulo ko at ibinato ng sapatos ko ang dalawa.


"Mga bastos, walanghiya!"

"Sandali, magpapaliwanag ako!"


Agad akong umalis sa silid daldala pa rin ang pulompon, hindi ako nagdalawang isip na huwag sayangin to, ang ganda pa naman para itapon sa dalawang baboy na may ginagawang kababalaghan sa loob. 

Dahil sa abala ang utak ko kakaisip sa kabastusan nila ay hindi ko namalayang maynakabangga na pala ako.


"Patawad binibini, hindi ko sinasadya."

"Izabella!"


Hindi na ako nagabalang tignan ang taong nakabanggaan ko at mabilis na tumakbo ulit dahil sa sobrang pagkabigla sa nakita ko kanina. Ramdam kong malapit na akong maabutan ng taong humahabol sakin kaya't inihubad ko na ang isa ko pang sapatos at tumakbo ng kay bilis. 

Malapit na ako sa dulo ng pasilyo nang biglang dumakma sa kasootan ko't ipinasok ako sa isang madilim sa silid. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi ko makita ang taong humigit sakin kaya't napagpasyahan kong sumigaw. Nang ibinuka ko ang aking mga bibig ay agad nitong tinakpan at idiniin ang katawan kanawan ko sa pader. 

Idiniin niya rin lalo ang katawan niya sakin upang maging suporta at ibinaling ang ulo niya sa bandang leeg ko. Lalong bumilis ang tibok ko nang maamoy ko ang hininga niya't ramdam ko ang init na dumaloy sa buong katawan ko.


"Je-hmm."


Hindi na ako makapagsalita nang bigla niyang isiniil ang mga labi ko gamit ang mga labi niya, napapikit ako't napabitaw sa hawak hawak kong palumpon dahil sa sarap ng halik niya. Ramdam ko ang sabik sa bawat sipsip niya kaya hindi ko maitago ang ungol na pumakawala. Inilakbay ko ang mga kamay ko sa batok niya upang maging suporta habang hinayaan kong maglakbay ang mga kamay niya sa katawan ko. 

Hulog na hulog na ako sa mga halik niya nang bigla niya itong pinutol at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, tinititigan ang mga mata ko tila naghahanap ng kasagutan.


"Bakit takbo ka nang takbo, may humahabol ba sayo bukod sakin?"

"Jema."

"Daladalawa na nga tanong ko pangalan ko lang nasabi mo?"


Nataranta naman ako dahil ho masikip yung kwartong pinasukan namin bigla ba namang lumuhod sa bale yung ulo niya ho nakatapat sa ano ko at sinadya pa atang tamaan, sinong di maninigas yung tayo. 

Mas mabuti sigurong di ko na idinitalye mas malaswa pakinggan. Umusog naman ako ng kaonti dahil sa kung anong rason ang tagal niya sa baba.


Hope Not (GirlxGirl) • [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن