XX

1K 34 8
                                    

Ilang minuto akong nanatiling nakaluhod, pinakikiramdaman ang paligid habang pinapahid ang luha kong walang katapusan sa pagagos. Hindi alam kung paano tumayo, umalis at iwanan ang lugar kung saan ko itinapon ang pagmamahal ko sakaniya.

Pinilit kong tumayo pero kulang ang lakas ko, may kulang. Takot aminin sa sarili kong iniwan niya akong nanghihina't lumulutang sa ere, iniwang walang sagot sa katanungang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Pinagmasdan ko ang kumikinang na dyamante na nawalan ng saysay, iniwang nakatiwangwang sa malamig na sahig na ito. Alam kong huli na para angkinin ang singsing ngunit nais ko pa rin itong angkinin at ipagdamot. Ngunit wala na akong karapatan simula nang hayaan kong tumulo ang luha niya't durugin ang puso.

Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang kawalan, hinayaang mawala ang isipan ko sa mga akalang kailanman hindi naging tama.


"Deanna."


Sa isang idlam bumalik ang buong lakas ko nang marinig ang boses niya ngunit ibang-iba mula sa malambing niya't malumanay na boses na tila musika sa pandinig. Agad akong tumayo't tinignan ang puno ng galos na anyo niya, ilang minuto palang ang nakalilipas ngunit ganito na ang nangyari sa kaniya. 


"Anong nangyari sayo? Akala ko iniwan mo na ako."


Sa halip na sagutin ako ay idinukot niya ang kaniyang kamay sa bulsa ng kaniyang kasuotan at iniluwa nito ang isang kupas at gutay gutay na lukbutan (wallet). Nagtataka kong pinagmasdan ang bawat galaw niya, kinakabahan. Napansin ko ang biglang panginginig ng kamay niya nang hilahin niya ang isang lupaypay na papel. Kitangkita ko kung gaano lumungkot at mawalan ng kislap ang mga mata niya, pinagmasdan niya ang kapirasong papel na tila ito ang huling bagay na pinaka importante sa buhay niya.

Nagdulot ito ng kirot sa puso ko't ipinikit ko ang aking mga mata. Gusto kong lumayo at iwaksi sa isipan ko ang nakikita kong Jema ngayon, mahina, puno ng puot at walang lakas.  Tanging hiling ko ngayon ay hindi na magising sa panaginip kong ito ngunit pagdilat ko'y hindi pa rin sakin ang atensyon niya, pwede bang bawiin ang mga katanungan ko? Pwede bang maging makasarili na alng ako't angkinin ko na lamang siya?

Ngunit mabilis din ito tinugunan ng nakatataas dahil inaabot niya saakin ang isang litratong ikinahina ng tuhod ko. Pilit ko ko mang huwag pansinin ang papel na iniabot niya sa akin ngunit kailangan kong tapangan ang nararamdaman ko't gawin ang nararapat. Dahan-dahan kong iniharap sa akin ang ang papel at nagimbal ako sa nakita ko. Isang litrato...


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Habangbuhay akong saiyo, Jes."


Mahina kong basa na tila bulong na lamang, namuo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Gusto kong itanggi ngunit ano pa ang silbi kung nasa harap ko na mismo, sinisigaw ang katotohanang kagimbalgimbal. Kasabay ng pagdaloy ng luha ko ang pagdikit ng mga tuhod ko sa malamig na sahig, siya si Jes? Bakit? Paano? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, ni wala akong litrato ng sarili kong Ina dahil sa kagagawan ni Ama. 

Ipinatapon niya lahat ng gamit, larawan, lahat dahil hindi na babalik si Ina at kailangan naming magpatuloy nang wala siya. Ngayon malinaw na kung bakit may kung anong kulang sa relasyon namin, ang alaalang pumapatak sa utak ni Ina. Gusto ko siyang sampalin, suntukin, saktan upang maramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon pero hindi ko magawa.


"Si Isabel, ang tanging babaeng minahal ko sa loob ng mahigit siyam na pu kong nabubuhay sa mundong ito. Siya lang ang natatanging babaeng tumanggap sa akin bilang ako, kung ano man ako. Hindi niya ako kinamuhian bagkos ipinakita niya pa lalong interesado siyang makilala pa ako ng lubusan."

"Bakit ako pa, Jema? Bakit?"

"Hindi ko naman ginustong mahulog saiyo, pinilit kong lumayo sayo't binalak ko nang magpakalayo-layo. Ngunit ikaw mismo ang lumapit sa akin sa kagubatan, hindi ko matitiis na mapahamak ka. Laking gulat ko na lang na ikaw ang nag-iisang anak na babae ni Isabel."

"Imposibleng hindi mo malaman! Imposible! Pinagisipan mo ang lahat ng ito hindi ba? Huwag mong itanggi!"

"Noong una hindi ko inakalang ikaw na ang Sachi, ang akala ko lamang ay hawig mo lamang siya."

"Bakit hindi ka pa lumayo nang malaman mong ako nga?"

"Dahil may kung anong kahangalan itong puso ko't umasang, ..."


Sa gitna ng pagpapaliwanag niya ay tumigil siya't tumingin sa kisame. Aminin man niya o hindi alam ko na ang susunod niyang sasabihin. Umasa siyang ako si Isabel, si Ina, ang kaniyang unang pagibig.


"Umasan ako si Isabel, ganoon ba? Jema, huwag mo nang ipilit na ako ang mahal mo sapagkat batid nating dalawang iba ang isinisigaw nito."


Mahina kong itinuro ang puso niya, agad niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong dibdib niya't tinignan ako sa mga mata. Ngunit sa pagkakataong ito hindi ko na mawari ang nakikita ko. 


"Kasalanan bang ibigin ka Deanna? Aaminin kong inasam kong manunumbalik ang katauhan ni Isabel sa katawan mo ngunit nagbago iyon nang lubosan kitang makilala bilang ikaw."

"Pilit nating iniwasan ang mga katanungan sa isipan natin, ngunit isinawalang bahala natin iyon. Pilit man natin itanggi ngunit ramdama na natin iyon. Ito ang sanhi nang aking pagtanggi saiyong alok. Hangga't batid kong si Ina pa rin ang nilalaman ng puso mo hindi ko maaaring ibigay ang sarili ko saiyo."

"Deanna, maniwala ka naman sa aking ikaw na ang mahal ko. Si Isabel ay parte na ng nakaraan ko, maaaring pinagtagpo mlamang kami dahil alam kong ikaw ang nakatadhana sa akin."

"Hindi tayo pwede sapagkat noong una palang batid na nating iba ang minamahal mo. Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin, ikaw na mismo ang nagsabing magpakatotoo. Hanggang dito na lamang tayo, Jema."

"Deanna, sandali! Pakinggan mo muna ako!"


Umalis na ako't mabilis na tumakbo palayo, batid ko ang taglay niyang liksi at kung may natitira pang respeto sa katawan niya at hahayaan niya akong makalayo. Sa bilis ng takbo ko't sa dami ng luhang nakasagabal sa paningin ko ay wala na akong makita. Sumabaya pa ang pagsikip ng dibdib ko sa sakit ng nararamdaman ko, pakiramdam ko'y ginamit niya lamang akong pampalipas oras.

Sana sinabi niya ng maaga para hindi ko hinayaang mahulog ng mas malalim ang sarili ko, kinailangan pang ako ang magbukas sa usaping iyon. Ilang buwan ko rin isinara ang isipan ko sa yapyap (gossip), inaasahan ko nang mangyayari ito. Ngunit masakit pala talagang malaman ang katotohanan.

Sa dami ng tumatakbo sa isip ko'y hindi ko na namalayang may nabunggo na ako, ngunit wala na akong lakas upang tignan ang taong nabunggo ko't hinayaan ang sarili kong manatili sa sahig. Humagulgol ako habang sapo-sapo ang bibig ko, pilit na pigilan ang malalakas na tangis. 

Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ng nilalang na ito at hinayaan ko ang sariling kong mawala sa lungkot na nararamdaman ko. Wala sa isinandal ko ang katawan ko sa matikas na katawang nakasuporta sa akin.


"Ilayo mo ako mula rito, gusto kong magpakalayo-layo't kalimutan ang masalimoot kong buhay sa lugar na ito, pakiusap."


Hope Not (GirlxGirl) • [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon