XXIX

686 25 3
                                    

"Deanna, kumusta?"


Umusog ako ng kaonti dahil sa pagkakabigla, kumusta? Dalawang taon walang kumunikasyon, walang lahat. Ngayon naririto siya nagtatanong ng kumusta? Kahit ako hindi ko masasagot ang tanong niya, pinagmasdan ko siyang maupo sa tabi kong naguguluhan. Dalawang taon ngunit wala pa ring ipinagbago ang mukha niya, lalo lamang siya nagmukhang bata.


"Matagal ring bago tayo magkita muli Binibining Jessica, dalawang taon kung hindi ako nagkakamali?"

"Dalawang mahabang taon Deanna, wala ka pa ring singganda."

"Bolera ka pa rin, balita ko ikakasala ka na?"

"Tatlong buwan mula ngayon, magiging misis Wong na ako."


Napangiwi ako sa naririnig ko, hindi ako sanay na marinig. Masasanay nga ba akong hindi magtatagal ay siya'y tatawaging  misis Wong. Dating pinangarap kong saakin siya ikakasal ngunit ngayon misis Wong pa rin siya ngunit hindi na ako ang makakasama niya sa tapat ng pari upang magsumpaan. Imbis na tugunan siya'y nanatili akong tahimik at pinagmasdan ang kaniyang magandang ngiti. 

Sinong hindi mahuhulog sa mga ngiting yan? Masigla't puno ng kulay na ngiting nakahahawa, nakatutunaw. 


"Anong nangyari sa atin Deanna? Labis ang sayang naramdaman ko noong mga unang buwan natin ngunit isang araw nagising na lamang akong sirang-sira na tayo."

"Alam mo iyong pilit mong ipinaglalaban ang isnag bagay ngunit dumating na rin sa araw na naramdaman mo na lamang na hindi ka na masaya? Iyong hindi mo na batid kung ano ba talaga ang iyong pinaglalaban. Umabot ako sa puntong iyon."

"Ako ba'y nagkulang? May mga bagay ba akong hindi nabigyang hustisiya sa larangan ng pag-ibig?"

"Hindi ka nagkulang saakin dahil kailanma'y hindi ako ang itinibok nito."


Sabay turo ko sa puso niyang tila, butas? Kumunot ang noo ko nang bigla niyang inilayo ang sarili upang maiwasang mahawakan kong muli ang parte na iyon ng katawan niya. Sa halip na sumimangot ay isang ngiti muli ang kaniyang ipinakita, kinamumuhian kong ngiti  kahit gaano pa  kaganda at kasigla ang mga ngiting iyan. Yang ngiting yan ang dahilan kung bakit nahibang ako sa pag-ibig. 

Huminga ako nang malalim  at ginantihan rin siya ng ngiti. Malumanay akong tumayo't pinagpag ang aking kasuotan. 


"Kung mamarapatin mo Binibini ay kailangan ko nang lumisan dahil ako'y may mahalagang gampanin sa emperyong Wong."

"Deanna sandali lamang."


At sa oras na ito muling tumigil ang mundo ko nang maramdaman ko ang pamilyar na yakap na ito, ang init na tanging siya lamang ang nagparamdam. Hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko't bumigay. Mahigpit ko siyang niyakap at ikinulong sa mga bisig ko. 


"Paumanhin sa nangyari noong nakaraan, hayaang mong gumawa tayo ng mga bagong memorya. Bawiin nating ang mga oras na nawala."

"Gawin natin iyon Jema, subalit sa ngayo'y puntahan mo ang iyong mapapangasawa't pag-usapan niyo ang iyong magaganap na kasal."

"Pagbalik ko ba'y nariyan ka pa rin? Aantayin mo ba ako?"

"Hindi naman ako lalayo Jessica."

"Pangako?"

"Pangako,  dahil kailanma'y hindi ako umalis at hindi ako aalis."

Hope Not (GirlxGirl) • [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon