XI

1K 44 0
                                    

"Huy hinay hinay ka naman sa paglalakad hindi pa naman sila aalis."

"Sayang kasi ng oras gusto ko na siya makita, makausap."

"Sigurado ka bang sisiputin ka niya?"


Doon ako napatigil sa paglalakad, tumalikod ako't pinagmasdan siya habang akayuko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko yung kalokohan niya o hahayaang maging isang masamang biro lang ito. Tinignan ko siya ng masama saka sinuntok ng mahina sa braso.


"Ano ba kasing sinabi mo sa kaniya ha? Baka naman may mga dinagdag ka ha, malalagot ka talaga sakin kung may kung ano kang mga idinagnag."

"Ayan nanaman siya nambibintang siya na nga tinulunga, syempre dapat may saydin si Jema di ba?"

"Oo nga pala hindi mo naman nabanggit sakin kung anong sabi niya,good news ba o bad news?"

"Ano gusto mo unahin?"

"Good"

"Hindi naman siya tumanggi."

"Ano yung bad?"

"Pero hindi rin naman siya pumayag."

"CELINE!!!"


Akmang susugurin ko na siya ng isang napakalakas na suntok at ilang pulgada na lang ang lapit ng kamao ko sa pagmumukha ko ay bigla mukha na ni Jema ang nasa harap ko.


"Je-Jema."

"Deanna."


Isang mahabang sukatan ng mga tingin ang pinagsaluhan namin, masuyo't mayamuan, walang gustong bumitaw. Mga tinginang tila ilang taong hindi nagkita't nagkasama. Tinignan kong mabago ang kaniyang maiitim na mata at maging mayamang gintong nakakalunod kung titigan. 

Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko ngunit parang ang hirap itaas dahil may kung anong pwersang pumipigil sa aking abutin siya. Buong lakas kong itinaas, mahirap, pero pinilit kong maipantay ang kamay ko sa mukha niya, tinitignan ang bawat detalye ng mukha niya bago niya ako iwan sa nakakasakal na lugar na ito.

Nang umabot ang hintuturo ko sa pisnge niya ay biglang sumabog ang kanina pang kamakabog na dibdib. Ayan nanaman ang pamilyar na katok sa puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Ang bigat ng puso ko pero ramdam ko ang saya't kaluguran.

Sinubukan kong ibuka ang mga bibig ko't humihiling na may umusbong na tunog ngunit pati dila ko'y naduduwag. Sino ba kasing hindi maduduwag sa taglay niyang kagandahan? Kita mo ang repleksyon ng buwan sa maputla niyang balat na kasing lamig ng simoy ng hangin. Bumagay rito ang mapupula niyang labi't at ang kaniyang perpektong cheekbones na tila iniukit.

Dahan dahan kong kinapa ang kilay niya pababa sa ilong niya na tila unang beses kong makahawak at makakita ng ganitong nilalang. Idinaan ko ang daliri ko mula sa premaxilla pababa sa mga labi niya't ibinuka ito sa pababagitan ng mahinang pagipit ko sa babang bahagi ng labi niya.


"Sandali lang muna mga mare, sino si Deanna?"


Sabay kaming napatingin kay Ced nakatayo sa gilid na tila saliwa (awkward) sa mga nakikita niya. Sinamaan ko siya ng tingin at sabay kaming napa sigaw.


"CELINE!"

"Sandali lang naman wag niyo akong patayin! Nagmomoment kayo jan samantalang ako hilong-hilo pa kung sino si Deanna. Kawawa naman akong manunuod kung hindi ko maintindihan pinapanuod ko di ba? Anong klaseng love story yun?"

Hope Not (GirlxGirl) • [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon