XXI

956 48 5
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata at laking gulat ko nang tumambad sa akin ang isang malawak at malinis na silid na may malaking balkunaheng nakabalalay (parallel) sa malaking higaang kinahihigaan ko. Nagtatakang bumangon ako at tinungo ang balkonahe upang damhin ang sariwang hangin. Sa pangalawang pagkakataon ay nagulat ako sa aking natanaw sa balkonahe dahil tanaw na tanaw ang kabuuan ng buong lupain ng emperya ng Wong. 

Ngunit llao kong ikinabigla na mayroon isang burol na nakabalalay sa partikular na lokasyong ito, tanaw na tanaw ko mula rito ang likod na bahagi ng kubong pinagkikitaan namin ni Jema. Hindi ko maiwasang magtanong at maguluhan sa mga nakikita ko ngayon, bakit nga ba ako nasa lugar na ito? Hindi kaya'y?


"Sachi, magandang umaga. Kumusta ang iyong pagtulog?"


Nabigla ako nang makita si Amang nakatayo mula sa likuran ko at hindi ako magkanda ugaga sa pagbigay pugay sa kaniya.


"Ipagpaumanhin ninyo ang pagtuloy ko sainyong silid Kamahalan, kung mamarapatin niyo po'y lilisan ako sa lalong madaling panahon."


Malimanay at taus-pusong kong wika sa kaniya habang nananatiling nakayuko. 


"Deanna, anak ko. Hindi mo kailangang magbigay pugay, anga tagal ko nang nais na makausap ka bilang isnag anak ko at hindi bilang Sachi ng kaharian. Kumusta ka na anak?"


Tila tumigil ang pagikot ng mundo ko nang marinig ko ang pagiging sinsero sa kaniyang bawat salitang binitawan. Hindi ko kailanman naisip na magkakaroon ng ganitong pagkakataong kakausapin niya ako bilang anak niya o kahit ang makapasok man lang sa loob ng silid niya. Tumayo ako ng tuwid at pinagmasdan siya, walang sinoman sa aming magkakapatid ang binigyang pahintulot ng Hari na makapasok sa kaniyang silid at tanging mga nupu lamang.  Tahimik na iginala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid subalit naagaw ang atensyon ko sa isnag larawang nasa gilid ng kaniyang higaan.

Isang larawan ni Ina, kawangis ng larawan ipinakita ni Jema sa aking ngunit wala itong kahit anong nakasulat. Sa tabi nito ay isnag larawan ng dalawang dilag na nakatingin sa isa't isa habang nanghahardin. Kitangkita sa larawan na may namamagitan sa dalawa at tila nangungusap ang kanilang mga mata. 

Wala sa sariling inilapit ako ng aking mga paa sa larawan, pinagmasdan ng maagi at napatakip ng bibig. 


"Siya si Isabel at si Jes, ang dalawa kong matalik na kaibigan ngunit ang isa jan ay mas kilala mo bilang si Jema."

"Paanong? Batid mo ang kaniyang pagkatao?"


Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, ibig sabihin noong una palang alam niya nang? Ngunit sa paraan ng pananalita ni Jema ay wala siyang ideya na batid ni ama ang kaniyang pagkatao? Hindi ko lubusang maintindihan, pinaglalaruan niya lang ba ang damdamin ko?


"Dahil dito."


Idinukot niya ang kaniyang kamay mula sa kaniyang bulsa at iniluwa nito ang mamahaling singsing na alay sa akin ng pinakamamahal ko.


"Nakita kita kahapong tumatakbo mula sa iyong silid, umiiyak at puno ng kalungkutan. Labis labis ang emosyong nadarama mong hindi mo nabatid kung saan ka patungo o kung sino ang nakaharang sa iyong daraanan. Nabunggo mo ako't may mga sinabing mga salitang hindi ko lubusang maintindihan ngunit may singsing akong natanaw mula sa iyong silid. Hindi ko pa man naitanong kung kanino o saan galing ang singsing ay tuluyan ka nang nawalan ng malay."

Hope Not (GirlxGirl) • [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora