CHAPTER 25

361 14 0
                                    

"I LOVE YOU SUPER DUPER ULTRA MEGA HARD.." he said. It sounds so real..

GENE POV

Umattend si Jae ng meeting para fanmeet na gagawin nila. Itong si Ynna pinapakwento kung pano naging kami. Sa umpisa ayaw niya pero napilit din siya nito. Si Ynna kasi makulit at siguradong mapapa-hot seat ka sa kanya.

Kinilig daw sila sa part na umayaw na siya at siya naman pag-amin ko. Sabi ko di naman maganda love story namin sabi niya cute daw. Kung isipin mo nga naman lakas makaBL series iyong nangyari. Slowly falling in love sa isang uke wanna be na may gusto sa seme.

Pagkabalik niya ng dorm ay napag usapan namin iyong
pagpunta namin sa Baguio. Kung kailan at kung saan kami tutuloy. Sobrang lamig kaya naman sarap magkayakap ng matulog. Lagi ko siyang binibiro to the point na naiinis siya. Pero infairness tinupad niya iyong pangako niyang hindi na niya ako aawayin. Ayaw daw niya kasing nag-aaway kami kasi ayaw daw niya akong tiisin na di mag-chat.

"Sarap mo mahalin.." bigla kong nasabi.

"Ikaw din po.." sagot niya.

Bigla siyang nagsend ng picture sabi don We will have our MAJOR MAJOR MEETING on May 18 around 5PM at Manila. Hahanap pa ako ng lugar kung saan tayo pwede mag-meeting.

The message came from her bestfriend Hannah. Syempre sobrang saya ko noon na to the point na tumalon pa ata ako sa higaan ko. Finally after less than two weeks magkikita na ulit kami. Mayayakap ko na ulit siya at matititigan ko na naman ang pagmumukha niya.

I thought na hindi kami magkikita ngayong buwan. Akala ko sa monthsary pa namin kasi iyon ang plano naming dalawa. Balak talaga naming magcelebrate.

"Sana matuloy kayo.." sabi ko tipong nagdarasal pa.

"Matutuloy iyan. Sure 'yan.." paninigurado ni Jae.

"Nasira na pag-iipon mo.." tumatawa kong turan kasi need niyang magtipid kasi nga ay pupunta sila ng Taiwan.

"I know right.." tanging nasabi niya.

"Saan tayo magkikita? Di ko alam if paano. Kasi hanggang gabi meeting namin or overnight if sa hotel gagawin." sabi niya.

"Depende kung saan kayo.." sagot ko. "Basta sabihin mo na lang kung saan kayo.."

Sabi niya sa akin sasabihin daw niya kay Hannah na near Cubao kasi alam na daw niya iyon.

"Miss na kita ka holding hands. Sana eighteen na.." sabi ko sa kanya. Miss ko ng malapad niyang kamay. Sarap-sarap hawakan.

"Darating din iyan! Wag kang excited!" sabi niya habang tumatawa.

"Sobrang boring ng maghapon ko kapag di kita kausap.."

"Sorry po busy lang.."

Kinagabihan gaya ng dati walang katapusang pag-uusap ginagawa namin hanggang sa antukin kami. Ganon naman daily routine naming dalawa. Wala namang iba. LDR eh.

"Oh good night na! Babagsak na talukap ng mga mata ko.." sabi ko.

"Sige po kuyaaa. Tulog na po. Paggising mo mahal pa din kita.." napakasweet niyang turan."Say that you love me.."

"I lovd you.. *Love.. Typo na.. Papikit na talaga.." tumatawa kong turan. As in pabagsak na talaga. Low bat na katawan ko..

"Tulog na! Good night po!!"

After non natulog na ako kasi hindi ko na talaga kaya..

KINABUKASAN

Nagpasa siya ng meme. Nakalagay "San ka lumaki? Sa Cavite bakit? Di ka naman lumaki matagal ka ng 5ft."

So ako naman nagsend ako ng maraming galit na emoji. Aga-aga nang-aasar na naman siya.

"Kaya kita kagatin kahit maliit ako.." sabi ko. Well, three inches lang naman ata ang tangkad niya sa akin. Mukha lang siya malaki kasi medyo chubby na siya.

"Hahahah nangangagat. Lab you.." reply lang niya..

"Hanap na ako ng iba. Iyong tanggap ang height ko.." biro ko.

"Sige po. Paalam po.."

"Ka sad naman di mo pala ako tanggap.." malungkot kong turan.

"Luhhh mahal fu kita. Mahal na mahal na mahal.." sagot niya.

"Kakeleg nemen po. Alam ko din naman sabi ko.

Napabuntong hininga ako. Sa tingin ko talaga tama iyong desisyon kong mahalin siya kasi tanggap na tanggap niya ako. Para sa akin sulit iyong tatlong buwan na pagkilala ko sa kanya dahil nagbunga naman ng maganda. Can't wait to see him again para mayakap ko na siya at maipadamang muli ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya..

30 days of FAKED LOVE

Thank You For Reading!

30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon