CHAPTER 32

379 10 0
                                    

GENE POV

Napakadami kong pangarap kasama siya. Dumating pa sa point na mag-aapply ako sa Pampanga kapag wala akong pasok as part time worker. Syempre tuwang-tuwa siya. Sakto daw na seasonal ang hiring nila. Ang saya lang kasi kapag nangyari iyon magkakasama kami ng dalawang buwan.

Days past. Okay namin kami. Puno ng asaran at lambingan. Ipaspasyal niya daw ako sa Pampanga. Sa SM. Sa korean town at walking street. Exciting because it would be another memories with him.

Dumating ang linggo kung saan pupunta sila ng Taiwan. His busy kaya di niya magawang magchat. Nag-aayos siya ng gamit kaya sabi ko ingat na lang siya bukas.

He said good night and I love you. Di ako nakapagreply kasi nakatulog na ako. Sabi ko na lamang pasensya na. Sabi naman niya okay lang.

Hindi ulit siya nagchat. Inintindi ko. Busy siya eh. First time niyang pumunta sa Taiwan.

I messaged him saying I miss you. He replied I miss you too..

We did not talk. Sabi niya ulit sensya na po medyo busy kasi..

I just said alam ko naman po. Pero kaya ko yan.. Tumatawa ko pang turan kahit deep inside namimiss ko na siyang kausap. I just said I love you. Lagi ko iyong pinapaalala sa kanya. Ewan ko ba pero kinakabahan ako sa kanya. May bagay na di ko mawari kung ano. Sumagot naman siya ng I love you too.

"Paalis ka na pala. Taena bakit nalulungkot ako? lol.." naibulalas ko bigla.

"Bakit ka po nalulungkot? Para namang di na po ako babalik.." he laughed.

"Di ko din po alam eh. Andiyan na ba si Hannah?" tanong ko kasi according sa kanya ay susunduin siya ng best friend niya. "Need ko selpi mo.."

"Wala pa pero papunta na daw.." sagot niya. Nagpadala din siya ng larawan.

Another plan was made. We decided to travel abroad. Kaming dalawa lang kung saan di pa namin alam pero sa tingin ko Bangkok.

Natigil pag-uusap namin kasi nag-flight na siya. I waited for two hours. Hinintay ko siyang makalapag ng Taiwan bago ako matulog.

He messaged me "Touch donw.." typo pa kasi sobra siguro siyang excited.

"Chat me kapag nasa hotel na kayo.." sabi ko.

"Nakarating na po.." sabi niya bandang alas-onse na ng gabi.

Total safe and sound naman siyang nakarating nagpaalam na akong matutulog. Gabi na din kasi.

FIRST DAY in TAIWAN.

Okay pa naman. Nakakapag-usap pa kami kahit papaano subalit iyong kaba na hindi ko mawari ay nandoon pa rin sa dibdib ko.

Dami niyang kwento. Ako naman willing lang makinig. Pero yung usapan iyon saglit lang.

Dahil wala akong magawa nagback read ako ng convo namin kaso dalawang linggo pa lang na usapan namin pagod na ako. Sinend ko iyon sa kanya sabi niya abutin ka ng buong araw.

Nawala siya ni Ha. Ni Ho. Wala. Inintindi ko lang kasi bakasyon naman niya. Epal naman ako kung aagawin ko pa oras niya.

"Good night po.." sabi ko na lamang.

"Good night fu bibi ko. I love you poooo. Bawi ako pag-uwi huhu. Di na kita gaano nachachat. Sorry po.."

"Okay lang.." sabi ko. Wala naman akong magagawa diba? "I understand naman. Basta nag-eenjoy ka diyan happy na din ako. Love you din bunso.."

First day pa lang niya sa Taiwan miss na miss ko na siya. Pero linakasan ko ang loob ko dahil valid naman ang rason. Bakasyon niya eh. Deserve niya iyon. Isa pa I trust him.

30 days of FAKE LOVE

Thank You For Reading!

30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]Where stories live. Discover now