CHAPTER 33

436 16 0
                                    

GENE POV

Siya unang nagmessage saying good morning. I sent a gif saying I miss you. Nakapag-usap sandali tapos nawala na naman siya.

"Miss na miss na po kita kausap.." di ko na napigil ang sarili kong imessage iyon sa kanya kasi as in hindi na siya nagchachat.

"Miss you too po bibi ko" sabi niya na may kasama pang umiiyak na emoji.

Day 2 at Day 3 niya sa Taiwan biglang lumabo ang lahat. Bilang na lang ang usapan naming dalawa. Syempre ako inintindi ko. Iyon lang naman magagawa ko sa ngayon.

"Ilang days pa kitang hihintayin.." tumatawa ko pang turan kahit di na siya nagchachat.

I messaged Ynna para naman may makausap ako.

"Mukhang wala na akong boyfriend.." biro ko sa kanya.

"Hahahaha bakit? Chat mo jowa mo.."

"Busy eh.." sagot ko.

"Ivideo call mo.." suhestiyon niya.

"Busy nga diba.."

Kahit na tumatawa ako sa reply ko kay Ynna deep inside gustong-gusto ko ng maiyak kasi di na nagchachat si Jae. Isa pa ay iyong nabasa kong comment ng kaibigan niya na "pag-uwi nitong isa sa Pilipinas wala na itong jowa.."

Hinayaan ko lang iyon kasi di ko naman alam kung sino tinutukoy niya.

Dumating ang gabi ng May 25.

"Di na pantay kulay ng balat ko. Itim ko na.." sabi niya.

"Di na kita love.." biro ko.

"K po. Bye!" he said.

"Syempre joke lang! Ayaw kita mawala."

"Chat me later" sabi niya kasi imimmeet daw nila friends ni Hannah na Taiwanese.

Naglaho na naman siya bigla kaya ang tanging nagawa ko ay maggood night sa kanya at magsend ng madaming hearts. Kulang na lang ay malunod siya.

Nagpaalam ako sa kanya na aattend ako ng kpop event. Sabi ko para makalimutan ko bahagya ng pangungulila ko sa kanya. Pumayag naman siya.

May 27. Nakapaggood morning pa siya.

"Aga naman gumising.." sabi ko.

"Punta kami amusement park. Malayo-layo iyon.." sagot niya.

"Ingat na lang. Love na love kita.." sabi ko. "Selfie ka nga namimiss na kita.."

Nag-expect ako pero wala siyang responce. Nasasaktan na ako that time kasi nawalan na siya ng oras sa akin. Kahit sana konti ay di na niya ako binigyan.

Kinagabihan sinabi kong "Miss na miss na kita kung alam mo lang.." Sabi naman niya "miss you too po. Dalawang araw na lang.."

Kumapit ako sa mga salitang iyon kasi at least alam kong may kami pa. Paranoid lang siguro ako kaya kung ano-ano naiisip ko. Pero di ko lang maiwasang malungkot talaga kasi nakakapagreply siya sa mga comment sa facebook account niya at maging sa IG niya.

May 28. Pinakamalalang araw.

"Good morning!"
"Ingat po!"
"Kain po tayo.."
"Good night bunso. Ingat ka lagi diyan. I love you. Lagi mo iyang tatandaan.."

Lahat ng iyan ay mensahe ko sa kanya.  Ang nakakatawa lang ay di man lang siya nagreply.

He became cold as ice. How can he do that?

Naalala ko pa sinabi ko kay Geron na mukhang mawawalan na ako ng jowa sabi naman niya hayaan ko muna kasi nasa bakasyon siya. Sobrang kabado na ako na para bang kahit anong oras ay puputok ang dibdib ko. Nakakalungkot sa totoo lang.

I saw his post saying "Im gonna miss him. I mean Taiwan.."

I just ignored it. I still trust him. Sabi ko na lang sa sarili ko na paranoid ako.

"Ang itim mo na.." I messaged him.

"IKR umitim kamay ko.."

"Ingat sa byahe. Papunta na ba kayo sa airport?" I asked but he did not reply.

Mga bandang alas otso nagalit na ako sa kanya. Hindi ko na napigil ang sarili ko.

"Chat ka sa akin kapag nakarating ka na sa dorm niyo.." Capslock pa ginawa ko kasi triggered na talaga ako.

At 10PM he messaged me. "Nasa plane pa. Kakalapag lang.."

"Tagal niyo dumating. Keep safe sa pag-uwi. I love you.." gaya ng dati hinintay ko siya.

"Nakakapagod po.." sabi niya.

"Ganon talaga.." sabi ko. "Saan ka uuwi? Kina Hannah o sa dorm? Tulog ka agad pagdating mo."

"Sa dorm..." tanging sagot niya.

Malamig pero hinayaan ko lang pagod siya eh. Kahit andami kong gustong sabihin sa kanya. Nagpigil ako alang-alang sa aming dalawa.

May 30.

Nakapaggood morning pa siya.

"Pumasok ka sa trabaho?"

"Opo. Nasa work na ako now.." sagot niya.

"Miss na miss na kita..." muli kong turan. "Work ka na lang muna. Usap na lang tayo kapag free ka na.."

Iyon ang huling usapan namin. Natapos ang buong maghapon na hindi siya nagparamdam. Hindi rin ako nagchat kasi nahihiya na akong mangulit. Isa pa ay ramdam ko ng may iba. Anlaki ng pinagbago niya.

Kaba, takot, pangungulila at pagtatanong. Ilan lamang iyan sa mga naramdaman ko. Litong-lito ako na hindi ko alam. Para akong nalaglag sa mundo ng kawalan.

Since mukhang wala siyang balak na kausapin ako ay ala syete pa lang ay naggood night na ako. And the most unexpected twist happened.

"Pwede ba tayong mag-usap? May gusto po akong sabihin.."

30 days of Faked Love

Thank You For Reading!

30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]Where stories live. Discover now