CHAPTER 28

331 11 0
                                    

GENE POV

"I LOVE YOU PO! SAGAD HANGGANG BUTO." - JAE

Mothers day came. He asked kung anong magandang surprise. Sabi ko iuwi niya ako. Pumayag naman siya. Ipapakilala na daw niya ako

"Sabihin ko mahal na mahal ko po siya  kahit lagi niya ako pinapaiyak.." sabi ko sa kanya.

"luhh.. Umiyak ka na po ba?"

"Dalawang beses na akong naiyak. Noong una kang nag-goodbye tapos kagabi.." sagot ko.

"Halla? Sorry po.." sagot niya. "Gawa mo na po?"

"Wala ako magawa maliban sa iniisip kita.."

"Huwag mo ako isipin, mahalin mo ako.." sabi niya...

"Mahalin at isipin kaya ko naman pagsabayin. Sweet ko diba?"

Since okay na naman kami naging cheesy kami na para bang nagadgad na Eden cheese.

"Baka sabihin nila bakit ako pumatol sa bata.." ika niya.

Natawa na lang ako. "Sorry po sa pagiging maliit..

"Anghang ng kimchi noodles. Nag-aalab ang aking bibig.."

"Halikan ko po ang nag-aalab mong bibig.." sabi ko. Grabe sobrang landi ko na talaga.

"Matatanggal mo ba anghang ng labi ko pag hinalikan mo?" tanong niya.

"Hindi pero susubukan ko pong bawasan ang anghang.." sabi ko naman. "Miss na kita sa personal nakakaiyak.."

"Miss na din fu kita. Lapit na magkikita din tayo.."

"May sabihin ako sa iyo.." ewan kung bakit ko bigla naisip ito.

"WHAT? Pag yan joke.." reply niya.

"AYAW TALAGA KITA.. DATI.." sabi ko sa kanya.

"Ok! We're done.."

Tumawa lang ako pagkatapos ay nagreply. "Kaso nagustuhan kita ng sobra ngayon.. NGAYON LANG DIN ULIT AKO NAGMAHAL.."

Napakamagical lang lol. Talagang sa buhay di mo alam ang magaganap sa hinaharap. Mabuti na lamang at hindi ako nagsalita ng tapos dati sa kanya.

"Kasi malandi ako? Thank you ha? Nagustuhan mo ako?"

"Napakabad naman po ng mga sinasabi mo.." malungkot kong turan. Napakaseryoso ko samantalang siya sarcastic. Dapat nga matuwa siya. Puso to puso ako makipag-usap sa kanya samantalang siya nakakaewan.

"Joke lang syempre.." bawi naman niya agad. Medyo nakakadisappoint lang for me. "Hayst kainis! Walang wifi. Sana magkanet na.."

"Sana wag muna. Para hanggang chat ka lang sa akin.." giit ko. Masama na kung masama. Selfish na kung selfish. Basta iyon ang gusto ko.

30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant