CHAPTER TWO: "Change"

59 2 0
                                    



[Rey's POV]


                                Nang makarating kami sa hospital na pagmamay-ari ng Agency, nadatnan namin doon sina Mama at Papa saka si Tita Rose ang ina ni Jake.

Gusto sana ni Demi na pumasok sa room pero pinigilan sya ni Tita Rose dahil maging sya ay hindi pinapasok. Maselan ang nangyari at kahit na makita pa namin ang katawan ni Jake ay hindi rin naman ito makikilala.

She start to scream and cry really hard. Wala akong nagawa kundi ang yakapin nalang sya.

Maya-maya lang habang nakaupo kami ay dumating na si Jayson. Halatang wala syang tulog at magang-maga ang mata sa pag iyak. Lumapit sya saamin...

"Demi...I-I'm sorry..."

Hindi nya mapigilan na hindi maiyak.

"...hindi ko alam na ganun ang mangyayari...patawad.."

Lumuhod sya sa harap namin ni Demi habang tahimik si Demi na lumuluha at nakayakap sa side ko.

Dumukot sya sa kanyang bulsa at inilabas ang dog tag ni Jake, saka iniabot kay Demi. Agad naman itong kinuha ni Demi...

"He want you to know...he love you so much."

Hinawakan ni Demi ang kanyang mukha at pinunas ang kanyang mga luha saka sya nito niyakap.

There's a relief on him knowing that she understands.

we told everyone that Jake died on a car accident. Close casket din kaya lalong mahirap para saamin. However, I don't care...

Si Demi lang ang inaalala ko.

Hindi sya makatulog, hindi rin makakain at lalong hindi makausap. Lahat kami nag-aalala na sakanya.

Hindi rin naman nagtagal ang burol at inilibing kaagad ang bangkay ni Jake sa tabi ng puntod ni Kaye. At least they are together now.

Nang matapos ang libing sinubukan naming kausapin si Demi habang nakatayo parin sya sa harap ng puntod.

Unang lumapit si Sebastian...

"Demi...kausapin mo naman kami. Nag-aalala kami sayo."

Hindi si Demi kumibo manlang...

"Don't shut us down...please."

Then she speaks...

"Just...leave me..alone."

Tapos ay naglakad na sya paalis nang ganun nalang.

"Demi..."

Tinawag sya ni Charlie pero hindi nya ito pinansin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Moment of Truth: ConfessionsWhere stories live. Discover now