CHAPTER 23

77.4K 2.2K 264
                                    

Chapter 23

"IS everyone okay?" nagtatakang tanong ni Ma'am Janine pagkatapos mamayani ng katahimikan.

Si Tito Lucio ay tahimik lang ngunit blangko ang mukha. Tita Leticia still has the mischievous grin on her face. Na mukhang nanalo siya sa isang paligsahan. Ngunit wala na akong pakialam pa kung anuman ang sasabihin nila. Hindi na ako takot na mahusagahan nila. Hindi na iyon mahalaga. Wala nang mas mahalaga sa ngayon sa taong katabi ko. Hindi ko siya magawang kibuin dahil sa sobrang takot.

"Let's start eating, mare? Mukhang gutom na kasi ang anak ko," pag-iiba ni Tita Leticia ng usapan.

"Ay, oo nga pala. Pasensya ka na, iho," tukoy nito kay Sid.

"Natuwa lang ako kasi nandito si Serenity. Are you two, friends? Alam mo ba na gustong-gusto ko talaga siya para kay Rafael? Ang ganda-ganda niya, 'no?"

Ngumiti pa sa akin si Ma'am Janine na tila isa akong regalo na matagal na niyang pinangarap.

Umupo siya sa harap ko, katabi siya ni Tita Leticia. May isang upuan pang bakante sa kaliwang side ko.

Hindi tumugon si Sid. Hindi ko rin batid kung nakangiti siya o ano. Ni hindi ko siya magawang tingnan. Tila nagpapakiramdaman kaming apat habang walang kaalam-alam si Ma'am Janine sa nangyayari.

Yumuko lang ako at hindi nag-abalang tingnan ang ginang. I tried controlling my shaking knees but I could even hardly lift the spoon and fork. I'm literally shaking like hell.

Napansin yata ni Ma'am Janine ang pananahimik ko kaya't sinuri niya ako ng tingin.

"I'm really sorry, Serenity. Did I scare you?" inabot niya ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa.

"Na-pressure ba kita? Pasensya ka na talaga. Hindi naman ako umaasang magkakabalikan kayo ng anak ko pero ipinagdadasal ko na sana nga. Unang kita ko palang sa 'yo, alam kong magiging mabuti kang kabiyak ng anak ko pero siguro hindi talaga pinagbibigyan ng Diyos ang hiling ko." Malungkot siyang ngumiti.

I tried returning a smile but it turned out to be painful one. I bet. I just wanted to stand and leave the table but I seemed to be frozen on my seat.

Tumikhim si Tito Lucio. Napaiwas ako ng tingin. Parang anumang oras ay tutulo na rin ang mga luha ko.

"Darating pa ba ang anak mo, Janine? Mukhang hindi na naman makakapunta iyon?"

Bumuntonghininga si Ma'am Janine bilang tugon.

"Ewan ko ba kung ano'ng nangyayari sa batang 'yon. Magmula nang nagkahiwalay kami ng daddy niya, lagi na lang siyang umaalis ng bahay."

"Maybe your son is still contemplating about what happened. Let him heal himself on his own, Janine. Eventually, matatanggap niya rin ang nangyari sa pamilya n'yo," Tito Lucio butted in.

Si Rafael ba ang tinutukoy nila? Bigla akong nabuhayan ng loob. Sana nga pumunta siya. Kailangan ko siyang makausap. Siya lang ang makakatulong sa akin ngayon.

"Sabagay, may punto ka, Lucio. Sana nga lang ay bumalik na sa dati ang unico ijo ko. Gusto ko na ngang magkaapo, sayang naudlot sila ni Serenity."

Bumagsak sa plato ang kutsang hawak ni Sid kaya't natuon ang atensyon naming lahat sa kanya. Nakita ko kung paano lumitid ang ugat niya sa leeg. Bigla siyang tumayo.

"I'm done."

Malamig pa sa matigas na yelo ang kanyang boses. The pace of my heartbeat doubled its speed.

"Anak, kasisimula mo pa lang," awat ni Tita Leticia.

Ngunit walang lingon-lingon siyang umalis na mabibigat ang mga hakbang. Napayuko ako.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon