⇨2nd

179 29 31
                                    

Elisha

Nasa kitchen kami habang hinihintay ang pagdating ni Brix ng makarinig kami na bumukas ang pinto ng bahay namin ay agad na pumasok sa utak ko na si Brix yon at hindi nga ako nagkakamali.


He still so handsome even if he was just a wearing a plain grey shirt and maong pants. May daladala syang paper bag. Ngumiti sya ng makita nya ako.


"Hi Brix tara kain na tayo. Ikaw na lang ang hinihintay namin. - Tiffany.

"Dapat nga kakain na kami kaso nga lang pinigilan kami ni Elise na kumain wala ka pa daw kase. - Jessica

Namilog ang mata ko. At tinignan si Jessica na 'what are you talking about' look. Samantalang sila ang nag sabi na wag munang kumain dahil wala pa si Brix.

Tinignan naman ako ni Jessica na "makisakay ka na lang- look.
Nakita kong tumingin si Bricks sakin.


"Dapat kumain na kayo, hindi nyo na sana ako hinintay." Sabi ni Brix ng tuluyan na syang naka upo sa katabi kong upuan.

Ngumiti lang ako sakanya.
"Oo nga pala baka makalimutan ko I brought some cup cakes. Dagdag niya
Napainom na lang ako ng tubig dahil yun ang nakita kong baka pwedeng pampatanggal ng kilig.

"Really? Favorite talaga yan ni Elise! Ang sweet mo talaga Bricks! Bakit di mo kaya ligawan si Elise?" Ngiting ngiting sabi ni Tiffany.

Ako naman halos naibuga ko ang tubig na iniinom agad naman akong inabutan ni Bricks ng panyo.

"You okay?" Nagaalalang tanong nya.

I nodded. Tinignan ko ng masama si Tiffany. Nag peace sign lang siya habang Nakangiti pa rin.

"L-let's eat!" Pag iiba ko ng topic.

Matapos naming kumain ay sunod naming nilantakan ang dalang cup cakes ni Brix.

"Wait.."

Napahinto ako sa pagkain ng biglang mag salita si Brix
Medyo nilapit nya ang mukha nya sakin at nilagay nya ang thumb nya sa gilid ng labi ko.

I blink.

"May icing." Ngumiti sya. My heart skipped a beat.
At nag wawala na ang mga paniki sa tyan ko.


Umayos ako ng upo at napaiwas ng tingin. Feeling ko namumula na ako ngayon. Tumingin ako sa dalawang bruhilda na nasa harap ko ngayon they're smiling ear to ear.


"Elise! Diba may sasabihin ka kay Brix?" Sabay kagat ni Tiffany sa cup cake.


Nalilito ko syang tinignan.


"Ano yon? Tanong naman ni Brix at tumingin sya sakin.


Pinandilatan ako ng dalawa kong kaibigan. Na parang sinasabi nila na chance na to na umamin na ko.
Pero parang nalunok ko na rin ang dila ko at hirap akong makapagsalita.
And it turns out na iba ang nasabi ko.
"A-ahh.. Kase.. U-uhm t-thank you sa c-cup cakes."


Ngumiti naman si Brix. "You're always welcome."


Pero akala ko matatapos na ang pangiipit nila tiffany at Jessica sa feelings but I'm wrong.
"Diba Elise! Meron ka pang sasabihin kay Brix Yung F mo." -Jessica. At nilagyan nya pa talaga ng initial ang Feelings ko ah.


"A-ah.. Sa Family ko? Next time na lang yun."
Hah! Kala nila maiisahan nila ako. Sorry guys pero hindi pa talaga ako ready ma friend zone today hahanap na lang ako ng bagong tyempo para masabi ko na yung nararamdaman ko.


Ng medyo lumalim na ang gabi nag paalam na na uuwi na si Brix
Kami naman tatlo ay nasa kwarto ko na.


"Alam mo Elise! Kami na nga yung gumagawa ng way para masabi mo na pero wala pilit mong iniiba." Sabi ni Jessica habang busy na sa pag aayos ng buhok nya.
PSH! Nag aayos pa e, matutulog lang naman.


"Kaya nga! Kailan mo balak sabihin kapag may gusto ng iba si Brix? Yung parang asong naghahabol ka sakanya? Sunod sunod na tanong ni Tiffany.


"Wala namang mawawala sayo kung aamin ka!" Dagdag ni Jessica.


"Although yes. Wala pang nagugustuhan si Brix. Pero kapag dumating sa punto na nag kagusto sya sa iba wag naman sana e, huli na ang lahat at forever kang magsisisi na hindi ka umamin." Jessica ulit.


"Teka nga! Bakit ba apektadong apektado kayo? Kayo ba ang may gusto kay Brix? I just can't right now. Hahanap na lang ako ng ibang pagkakataon. Hindi pa talaga ako handa ngayon."


"Ang sabihin mo takot ka lang mareject! Well, sino bang hindi takot don diba? Kung di mo kayang sabihin bakit hindi mo na lang ipakita sakanya? When your mouth can't speak your action will do."


"And how can I do that? Tanong ko kay Tiffany


Nagkatinginan silang dalawa ni Jessica and they both smiled.

To be Continued. ..

Invisible (Slow Update)Where stories live. Discover now