⇨Eighth

53 14 14
                                    

A/n: expect the typo.✘

Elisha

Pagkababa ko ng gabing iyon sa aming hapag kainan hindi ako nag open ng kahit na anong topic sakanila binubuka ko lang ang bibig ko kapag isusubo ko na ang pagkain ko. Habang nakadapa sa kwarto ko at binabasa ang lesson namin sa History para bukas ay narinig kong nag beep ang phone ko.

1 unread message
From: 094********
I like your cookies. Can you make me more?

Mula sa pagkakadapa ay napabangon ako ng wala sa oras ng mabasa ang unknown number na nag text sakin. Who the hell is this? Imposibleng namang si Bricks ito dahil nakasave ang number niya sakin at saulo ko pa iyon.

Agad akong nag tipa ng mga letra para replayan siya.

Me: Who are you?

Mesaage sent.

Napakagat ako sa labi ko sa kaba dahil sa mga posibilidad na si Bricks ang nag text sakin. Pano kung nagpalit na siya ng number? Pero pwede rin namang iba. Tama! Madami kayang ng ti-trip at walang magawang matino sa buhay nila. Pero-- pano niya nalaman na nag ba-bake ako ng cookies at nanghihingi pa siya ng kasunod- naputol lang ang pag iisip ko ng mag beep ulit ang phone ko.
Dali dali kong kinuha ang phone ko na nakalapag sa kama ko.

1 unread message
From: 094********
My name is Handsome, hot and sexy. Pick any one of them. ;)

Nalaglag ang panga ko sa nakuha kong reply. At dito nakakasigurado na ako na hindi ito si Bricks.
Kung hindi ito si Bricks sino tong hinayupak na to ang nag te-text sakin?

Me: none of them suits to you. Maybe 'mahangin' is better. Tss.

Message sent.

Napabuga ako ng hangin at pabagsak na humiga ako sa kama. Nag beep muli ang phone ko.


1 unread message
From: 094********
Hahaha. You made my day complete. Thanks. :D

Baliw na ata tong kausap ko. I made his day complete daw. Siguro nakawala ito sa mental hospital dapat ang kausapin niya ay psychologist hindi normal na estudyante na kagaya ko. Psh.

Hindi ko na siya nireplyan sa halip ay natulog na lamang. Mas mabuting pang matulog kaysa ang makausap ang baliw na yon.

/kinabukasan/

"Elise! Nandyan na si Mang Lando." I heard my mom said through out the door.

Napanguso ako ng marinig ang pangalan ng driver namin. Muli kong tinignan ang itsura ko sa salamin bago tumulak palabas. Bumaba ako ng hagdan at nakita ko si daddy na nasa dinning room habang kumakain ng breakfast. Kinuha ko sa ref ang binake kong cookies at mabilis nainilagay sa bag ko.
"Mom.. Dad. I'll head to school. Bye guys" I quickly said and kissed them both to their cheeks.

"Good morning Ms. Elise" nakangiting bati ni Mang Lando.

"Morning" matipid kong sagot. Nakonsensya tuloy ako na pinag day off ko siya hindi ko naman kase alam na matagal na siyang ulila at walang pamilya hindi rin naman niya kase sinabi sakin. Sumakay na ako ng kotse at agad naman niya itong pinaandar.
Mabilis lang ang naging biyahe dahil hindi  naman traffic ng matanaw ko ang school namin ay sinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko.

Invisible (Slow Update)Where stories live. Discover now