⇨Third

155 26 5
                                    

Elisha


"Uhmm.. Kulang pa sa tamis. Siguro kung coated to sa chocolate baka lalong sumarap. Komento ni tiffany sa binake ko na cookies.
Sila ang nakaisip nito mag mala secret admirer daw ako ni Bricks sa pamamagitan ng pag bibigay ng cookies kay Brix ng palihim.

"Seryoso ba kayo dito?

They nodded.
"Bilisan mo mag bake ka pa ulit! Lagyan mo ng asukal ah! Tsaka damihan mo yung butter! Sabi ni Jessica habang ngumunguya ng cookies.

Nilapag ko ang panglimang cookies na binake ko. Yes. Panglima na dahil paulit ulit nilang pinapagawa sakin kapag may kulang sa lasa.

Agad na kumuha si Tiffany at tinikman.
Napahinto sya sa pagkain at ibinaba ang cookies na kinagatan nya sa lamesa atsaka pumalakpak.

Napangiti ako sa sinabi ni Tiffany.
Finally I made it. Magugustuhan kaya ito ni Brix?

וו

"Bilis na kase ilagay mo na! Mamaya dumating pa si Brix e! Tinulak tulak pa nila akong dalawa papunta sa locker ni Brix.
Tumingin ako sa magkabilang dulo ng hallway, walang tao.
Mabilis akong lumapit at binuksan ang locker ni Brix atsaka nilagay ang isang box ng cookies.

Ng marinig ko na may paparating ay agad kaming nagtago sa may sulok.
Nakita namin ang puro kaklase ni Brix at si Brix syempre.
Kinabahan ako ng buksan nya ang locker nya.
Napansin kong kumunot ang noo nya.
Siguro nakita na nya yung box ng cookies.

Nilabas ni Brix ang kahon sa locker nya.
"Uy pre! Ano yan? May halong panunukso ang tono ng boses ng kaklase nya na sa pagkakatanda ko ang pangalan nya ay Louis.

"May secret admirer ka na naman?" Singit ng isa pa nyang kaklase.


"Ewan ko sainyo." Ngumiti si Bricxat sinarado ang locker naglakad na sya palayo habang bitbit yung cookies na gawa ko.


"O! Mamaya ka na kiligin! Tara na malalate na tayo!" At hinatak na ako ni Jessica palayo kasunod naman si tiffany.

"Uy! Brix! Ano yang hawak mo?" Maangmangan na tanong ni Jessica sa hawak hawak na box ng cookies ni Brix

"Para samin ba yan? Sunod na tanong ni Tiffany.

Ngumiti si Brix samin. "May nagbigay sakin. Actually hindi nya binigay personally, nilagay nya sa locker ko."

"Ayyiee! Sino kaya yung secret admirer mo?!" Panunukso ni Jessica na parang walang kaalam alam.

I smiled. "Natikman mo na ba?"

Umiling sya. "Maybe at home."

Hindi talaga nya binuksan yung cookies na binigay ko. Hindi nya rin binigyan si tiffany kahit na nagmamakaawa na syang bigyan nito. May kung ano sa tyan ko na hindi ko mawari. Para akong lumilipad. Naka drugs ba ko?

"Pano ba yan tagumpay yung pagiging secret admirer mo?!" Ngiting ngiti na sabi ni Jessica habang naglalakad palabas ng school.

"Umpisa pa lang to Jess. Ngumisi ako.

"Yeah. Tama ka marami pang panahon ka mag ba-bake ng cookies para kay Brix." ani Tiffany.

Kinabukasan ganon pa rin ang scenario. Nag lagay ako ng isang box ng cookies sa locker ni Brix at may note na. "Eat well, Brix."

"Uy! Nabalitaan nyo ba na may bagong transferee student? Balita ni Tiffany kakadating nya lang. Hindi ako nag angat ng tingin at patuloy lang ako sa pag re-review. Nasa cafeteria kaming tatlo.

"We're not interested tiffany." Ani Jessica

"Kahit na sabihin ko sainyong may naging past ang bagong transferee student na yon at si Brix?

Agad akong nag angat ng tingin at mabilis pa sa alaskwarto na sinarado ang libro
"What?!!!!!" Sabay naming sabi ni Jessica.

"Is that true?" Nanlaki ang mata ko.

Ngumisi si Tiffany at nag peace sign.
"Kapag tungkol kay Brix interesado? Sarado agad ng libro?

Nanliit ang mata ko.
"Ano na naman ba yang tsismis mo ha?!"

"Ayun na nga kase may bagong transfer student her name is Erika
Pamangkin sya ng may ari ng school na to. Maraming nagsasabi na brat daw ang isang yon. Kaya inilipat dito sa school ng tita nya para mabantayan". Pagsasalaysay nya.

"Where's Brix?"  Biglaang tanong ko.

"Wow! Sobrang lapit ng tanong mo ah!" Tiffany playfully roll her eyes.

וו

"Elise!!

Mabilis akong napalingon sa pamilyar na boses na tumawag sakin.
I automatically smiled ng makalapit sya sakin.


"Hey! Uhmm.. May gagawin ka ba after class?" Nahihiyang tanong nya.

"Uhmm.." Kunyari nag isip ako. Pero ang Totoo wala naman akong gagawin gusto ko lang na makita ang reaksyon nya kapag nagdadalawang isip ako. He's so cute.

"Wala naman." Ngiti ko.


"Gusto ko sanang manood ng movie.."

"That's a great Idea I will call Jess and tiffany so-

"No... No.. I mean." Natatarantang sabi nya. "Uhmm.. Tayong dalawa lang." Halos pabulong lang ang pagkakasabi nya ng huling salita.

Namula ang pisngi ko. I looked away and I bite my lower lip to avoid smiling.
"Are you inviting me on a date?"

"Yes. And you don't have any rights to refused."

Lalong dumoble ang pag init ng pisngi ko.
"So its a date!"

To be Continued....

Invisible (Slow Update)Where stories live. Discover now