⇨Tenth

61 12 25
                                    

Important  note! Must read!:

Hi it's been a while. Hahaha sorry for my late update tho. Anyway before you start reading I just want to inform you that I change the spelling of my beloved 'Bricks to Brix" don't be confused it's still the same Brix you know and same pronunciation as well.

Elisha

Nakipagsiksikan kami sa dagat ng mga estudyante para lang makapunta sa harapan.

"Aray ano ba!" Daing ng mga estudyante sa gitna ng pakikipagsiksikan namin. Hindi ito pinapansin nila Tiffany at Jessica patuloy lang nila akong hinihila. ako naman ay sorry ng sorry sa bawat mga estudyanteng dumadaing.

"Guys! Mamaya na tayo pumunta dito kailangan ko munang mailagay itong-" napatigil ako sa pagsasalita ng makarating na kami sa unahan.
"Si Brix ba yon?" Tanong ko. Nakatagilid siya saamin pero hindi ganoon kalayo ang agwat namin sakanya. "Puntahan na--"

"Elise, just watch." Seryosong saad ni Tiffany. Wala na akong nagawa kundi ang tumunganga at tignan ang mangyayari. Ilang saglit lang at nakarinig na kami ng mga tilian ng mga babae.

"Ang swerte talaga ni Giselle nakakainggit siya!" Narinig kong sabi ng katabi kong schoolmate ko.

"Andyan na si Giselle!" Tili ng isang babae. Automatic na nahawi ang mga estudyante at dumaan sa gitna nito ang isang babaeng maganda, maputi at chinita, mahaba ang kanyang straight black hair hindi katulad saakin na medyo may pagkanatural brown at wavy ang ilalaim. Matangkad siya ngunit mas matangkad ako sakanya.

Teka- bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sakanya?.

Huminto siya sa paglalakad huminto siya sa harap ni Brix. Hindi ko alam pero may kung anong parte saakin na hindi ko matanggap iyon.

"That's true Brix. I'm the one who sent you everyday a cookies in your locker. I'm sorry if I didn't tell you early. I just can't say it personally that's why I'd just bake cookies for you." Nahihiyang sabi ng babaeng chinita kay Brix.

Hindi ako makagalaw nagbara ang lalamunan ko at kahit isang salita ay walang lumabas galing dito. Halo halo ang emosyong nararamdaman ko. Naiiyak, naiinis, nalulungkot. Hindi ko mabatid kung bakit kailangan mag sinungaling ng babaeng iyon kay Brix.

Gusto ko silang lapitan at komprontahin na sinungaling ang babaeng iyon. Dahil Brix ako ang may gawa ng lahat ng iyon. Ako dapat ang nasa posisyon ng babaeng nasa harap ng lalaking mahal ko.
Sa sandaling pagkurap ng mga mata ko ay isa isang pumatak ang luha ko at kasabay nito ang pagyakap ni Brix sa babaeng kaharap niya.

Ang sakit. Sobrang sakit. Ako dapat iyon. Kasalanan ko. Dapat una pa lang ay umamin na ako dapat hindi ko na pinatagal. Kasalanan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Invisible (Slow Update)Where stories live. Discover now