⇨Ninth

51 12 7
                                    

Elisha

Pagkatapos ng klase ay agad akong dumiretso sa gymnasium para puntahan si Bricks napangiti ako ng makita siya na masayang nakikipagtawanan sa mga ka teammates niya.

Napansin ako ng isang ka teammates niya kaagad niya akong tinuro kaya naman napalingon si Bricks sakin.
Ngumiti siya at iniwan ang mga kasama niya at nagpunta sa kinaroroonan ko.

"Tapos na ang klase mo?" Nakangiting salubong niya.

Tumango ako at ngumiti.
"May gagawin pa ba kayo?"

"Ah wala na. Hatid na kita?" Uminit ang pisngi ko sa tono ng pagkakasabi niya ay parang responsibilidad na niyang ihatid ako saamin.

Tinulungan niya akong bitbitin ang mga books na daladala ko dahil kailangan ko ng mga review dahil nalalapit na ang exam namin.

"I think.. Kilala ko na ang nagpapadala ng cookies sakin." Nabigla ako doon at muntik pa akong matalisod mabuti na lamang ay naalalayan kaagad ako ni Bricks.

"W-Who?" Hindi ko alam kung tama ba ang tanon ko dahil paano kung alam niya na ako yung nagpapadala. Ano ba dapat kong maging reaksyon? Should I hug and confess to him? Kiss him? What? No. Wag muna iyong kiss pero pwede naman kung siya ang mag iinitiate.

What the hell am I thinking!

Nakita ko ang pag ngiti niya at pagkislap ng mga mata niya.
"But I'm not sure yet kung siya nga ba talaga iyon kailangan ko pa ng matibay na ebidensya gusto ko na ako ang makakakita sakanya na inilalagay niya ang box of cookies na iyon sa locker ko. Na ikwento kasi sakin nila Dylan na nakita nila kung sino ang naglalagay ng cookies kaninang umaga."

Dumagundong ang puso ko. Shit! May nakakita sakin kanina? Pero sinuri ko ang paligid wala naman akong nakita. Sa sobrang taranta ko siguro kaya hindi ko napansin na may tao pala.
Pano na to? Maybe it is the sign that I need to tell him the truth. But not now.

Uhmmm.. Maybe tomorrow. Bukas na bukas ay aamin na talaga ako.

I felt relieve ng naihatid na niya ako sa bahay pero hindi na siya pumasok. Dahil kailangan na rin niyang umuwi.
Habang nasa kwarto ako ay hindi ako mapakali kung paano ko sasabihin na ako ang nag bibigay sakanya ng cookies. Hindi ako makapag review ng maayos dahil sa kakaisip kung paano ko sasabihin kay Bricks ang totoo. 11 o'clock na ngunit hindi pa rin ako inaantok kaya naman napagpasyahan ko munang mag bake ng cookies para bukas.

Sa lahat ng cookies na binake ko sakanya ay ito ang pinaka espesyal hindi ko naman sinasabi na hindi espesyal ang mga nauna. espesyal din naman iyon dahil ginawa ko iyon ng may kasamang pagmamahal ngunit mas espesyal ang gawa ko ngayon dahil siguro aamin na ako sakanya.

Nang matapos ako mag bake ay inilagay ko ang cookies sa isang box at may pulang ribbon sa ibabaw nilagay ko ang sinulat kong letter kanina. Sinulat ko lahat dito sa letter na ito lahat lahat yung panahong nag kagusto ako sakanya hanggang ngayon. Napangiti ako. This is it.
Niligpit ko ang pinaggamitan ko at siniguradong malinis iyon katulad ng nadatnan ko.

Kinabukasan late ako nagising at asar na asar ako sa sarili ko. Hindi kasi agad ako nakatulog kagabi pag akyat ko. Ala una na ata ako nakatulog kakamunimuni.

"Mang Lando! Pakibilisan po please late na po ako!" Kanina ko pa ito sinasabi sa driver naming si Mang Lando pero parang sobrang bilis ng oras dahil kahit anong gawin ko ay late pa rin ako. Nagmamadali akong bumaba ng kotse namin pagkaparada sa labas ng school namin.

Invisible (Slow Update)Where stories live. Discover now